Mahirap magtiwala sa taong pabago bago ang isip. Parang yong panahon ngayon, mainit ngayon tas biglang uulan tas iinit ulit.. Sakit sa ulo..
@Grace07 in August 2021
Kaya masarap umuwi sa bahay e. Nakakain mo yong mga pagkain na hindi mo kayang lutuin sa boarding house! Iba parin talaga pag lutong bahay, hahanap hanapin mo..
Kapag pagod, okay lang huminto, magpahinga at mag muni muni.. Huwag lang masyadong matagal dahil baka pagsuko na pala iyon.. Pahinga muna tayo, Good night ka-noise!
Nagutom ako habang pauwi kaya napadaan sa nagbebenta ng balut kahit hindi ako kumakain ng sisiw.. π
Hindi ka tumataas kapag nanghihila ka pababa.. Maging masaya ka sa achievements ng iba!
Share ko lang pagkain na baon ko kanina sa office.. Sana ikataba ko to..
Hindi lahat ng nakasakit sayo ay maling tao. Yung iba ay nagkamaling tao lang talaga... Huwag natin isisi lahat sa iba, dahil baka may pagkakamali at pagkukulang din naman tayo..
Sarap nito! Lutong bahay please.. Gusto ko na tuloy umuwi ng bahay ulit..
Alam mo kung ano ang pinakamagandang hugot na pwede mong magawa? Yon ay ang humugot ka ng kalakasan sa Diyos.. Ano man ang pinagdadaanan mo, daanan mo lang dahil tiyak malalampasan mo din iyan..
No one who hopes in the Lord will ever be put to shame, Psalms 25:3a Hindi mapapahiya ang mga taong nagtitiwala sa Diyos! Binigo ka man ng pinagkatiwalaan mo, pinaasa ka man ng iba, si Lord kailanman ay hindi tayo bibiguin at paaasahin!
Focus ka sa nagmamahal at sumusuporta sa iyo, hindi sa mga haters at hindi nakikita ang halaga at kabutihan mo. Para sa mapayapang buhay...
Oras na ng hapunan pero naisip ko pang kumain ng lugaw.. Hindi nga lang sya kasing lapot nong unang nabili ko, parang nadamihan ata nila ng tubig.. Pero masarap parin naman..
βCome to Me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Matthew 11:28 Minsan, nakakapagod no? Nakakapanghina, pero sa mga panahon na pakiramdam nyo pagod na kayo, lapit lang tayo lagi sa Diyos, dahil sa Kanya may totoong kapahingahan na hindi kayang ibigay ninuman.. Pahinga tayo sa Presensya ng Diyos.. Good night.. π
Maaring ang ating nakalipas ay hindi maganda. Maaring puno ito ng pagkakamali, pero ang buhay ay hindi lang tungkol sa nakaraan mo kundi patungkol din ito sa kasalukuyan at hinaharap. At ang maganda dito pwede pang mabago ang lahat, maaring magkaroon ka pa din ng magandang hinaharap kung ikaw ay lalapit sa Panginoon at magpapatulong.
Bat po kaya ganyan lumalabas? Okay naman sa ibang channel..
May tamang panahon para sa lahat ng bagay.. Hindi mo kailangang mainggit sa season ng iba dahil may tamang panahon din para sayo.. Maaaring nasa paglago ka palang ngayon samantalang ang iba ay namumunga na.. Daanan mo lang ang proseso dahil sa tamang panahon, mamumunga ka din kagaya nila.. Trust the process, huwag magmadali..
Tagal na rin mula ng last akong nakapunta dito.. Dumaan lang kami saglit, nagtampisaw lang ng kunti dahil walang dalang bihisan..
How deep is your love? Kapag malalim ang pag ibig mo kay God ipaglalaban mo yan. Deeper love never says im busy. Deeper love makes time.
Remember, you don't have to be great to get started, but you have to get started to be great..
Kala ko tuloy tuloy na na walang ulan, pero bigla ulit syang bumuhos kanina! Napa-lugaw tuloy si inday.. π at sa wakas, nakapag upload din ng picture, kanina ko pa sinusubukan pero ayaw.. Hehe
Life is short! Do not waste it.. Maiksi lang ang buhay, huwag natin itong sayangin sa mga bagay na walang kabuluhan... Okay lang magpakasaya, pero huwag nating kalimutan na ang totoong saya ay sa Diyos lamang matatagpuan.. Sulitin mo ang buhay para parangalan si Kristo, dyan mo lang matatagpuan ang totoong saya..
Oregano with honey! yong ang dami ko ng sinubukan inumin para gumaling yong ubo ko pero wala pa din.. Uminom na ko ng lagundi, oregano.. Haysss.. Ano kayang mabisa?
Yong hindi naman ako kamahal mahal pero minahal ako ng Lumikha ng langit at lupa! Grabeee lang.. Salamat Panginoon..
Trusting God is a decision. At hindi lang ito tungkol sa nangyayari sayo o sa paligid mo. Tungkol din ito sa pagkakakilala mo sa Diyos na pinagkakatiwalaan mo.
Hindi dahil maraming gumagawa ay tama. Sa panahon ngayon, abnormal ang tingin sa iyo kapag hindi ka sumusunod sa trip ng marami kahit mali sila at wala sa katuwiran ang ugali. Lilibakin ka dahil masyado daw "conservative values" mo. 2021 na daw. Ediwow. Nagtatagumpay ang mga halimaw. Stand your ground. Remain ethical and righteous sa mata ni Lord.
May nadagdag nanaman sa collection ko. Natutuwa talaga ako sa ibat ibang kulay na ballpen.. Nakakainspire magsulat at magdevotion,..
Walang sayang sa effort at pagod mo, hindi man yan makita at maappreciate ng iba, sa takdang panahon ay aanihin mo lahat ng bunga ng mga pagpapagal na yan.. Learn to endure and persevere hardships and sowing, cause in due time you will reap everything you have sown!
Okay lang mag isa, okay lang mag solo minsan! Pero huwag na huwag kang masasanay na lagi nalang mag isa.. Mas masaya may kasama, mas masaya may karamay sa lungkot at saya! Lalo na kung ang mga kasama mo ay mga taong tutulungan kang lumago at umangat..
Ewan ko ba pero nawili na talaga akong kumain ng lugaw after work.. Hehe Naging favorite food ko na ata to.. Kain tayo! Pwede ng pangdinner..
Boring ang mundo kung lahat ay kamukha mo... Kaya stop comparing yourself to others. Baka ma-fall lang tayo sa trap ng inferiority or superiority complex. Kapag bigtime ang comparison mo, at di mo maabot-abot for sure bababa ang tingin mo sa iyong sarili. On the other hand, kapag small time ang comparison mo, baka may mabuong pride sa'yo at masabi mong super hina nila o wala silang silbi. Let's enjoy our differences.
Hindi ka pangit, hindi ka mahina, hindi ka mababa kaysa sa iba... Hindi lang talaga makita ng iba ang halaga mo, Ikaw ay ikaw hindi base sa nakikita at sinasabi ng iba! Ikaw ay walang katulad, ikaw ay may angking ganda at galing na di tulad ng iba.. Ikaw ay ikaw dahil ikaw ay denisenyo ng Diyos na walang kapares.. You are unique, don't compare yourself to others..
Good morning!! Lomi naman ngayon bago umuwi.. Medyo mahaba habang byahe kaya kailangan may laman ang tiyan para okay ka ba tiyan parin tayo..
May mga bagay na mahirap bitawan, pero pag bibitawan mo makakalaya ka.. Huwag matakot bumitiw sa mga bagay na wala namang magandang naidudulot sayo.. And start embracing those things that will help you grow and will make you a better person..
Pwedeng hindi naiintindihan ng iba ang pinagdadaanan at problema mo, pero naiintindihan ni Lord.. He sees your struggles, He sees your pains and adversaries, at hindi Niya lang nakikita at naiintindihan yun but He also cares! He cares for you, lapit ka lang sa Kanya.. He can give you peace..
God is the greatest provider! Pansin mo, sa mga panahong akala mo walang wala na, said na said na biglang magpoprovide ang Diyos.. Nakakamangha Siya no? Tapat ang Diyos sa mga taong nagtitiwala sa Kanya!
Pampalipas oras namin ng pamangkin ko.. Kaya tanong siya ng tanong kung anong oras ako uuwi kasi maglalaro daw kami! Sige na nga, pagbigyan!
Hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan, pero may magagawa pa tayo ngayon para ayusin at pagandahin ang kasalukuyan at hinaharap. Kaya sa halip na magfocus tayo sa nakaraan bakit di pagtuonan ng pansin ang kasalukuyan..
Kain muna tayo ng saging para healthy at para may lakas maglaba.. Haha Laba laba time nanaman e.. Gandang hapon ka-noise
Kapag ang Diyos ang inuna mo, tiyak na hindi ka Niya ihuhuli! Bago ang lahat dapat si Lord muna.. Without God in the first place, what comes next will never work!
Hindi lahat ng sumuko ay talunan At hindi din naman lahat ng lumaban ay nagtagumpay! Choose your battle wisely.. Dahil hindi lahat ng laban ay dapat harapin, may mga laban na kailangan mong sukuan at talikuran para totoong manalo ka! Good night..
Flex ko lang yung Savior nating tapat! Di pa Siya sumablay at di Siya sasablay! Pag sinabi Niya, sinabi Niya! Tiyak mangyayari..
Minsan tahimik si Lord, pero hindi ibig sabihin iniwan at pinabayaan ka na Niya! Hindi porket hindi mo nakikita ay wala na Siyang ginagawa, sabi nga ng kanta "even when i don't see it You're working Even when i don't feel it You're working You never stop, You never stop working!! May ginagawa ang Diyos magtiwala ka lang sa Kanya!
The Lord looks down from heaven on all mankind to see if there are any who understand, any who seek God. Psalms 14:2 NIV Naghahanap ang Diyos ng mga babae at lalaki na patuloy na nagnanais na kilalanin Siya! Nawa ay masumpungan Niya ang bawat isa sa atin na patuloy na nananampalataya at kumikilala sa Kanya! Keep knowing and growing with your relationship with the Lord!
Magandang umaga! Sarap gumising at bumangon lalo na kung alam mong may nagmamahal sayo! Thank you Lord..
Kapag alam mo ung rason kung bakit mo ginagawa ang isang bagay, pigilan at idiscourage ka man ng iba, tiyak hindi ka mapipigilan at hindi mo ihihinto ang ginagawa mo..
Sinigang na isda na may bayabas! Throwback lang yan, hehe Ulam namin nong umuwi ako sa bahay, at syempre laging may kasama yang pritong isda..
The best way to gain strength for the battles we are called to fight is to rest in God's presence. π Huwag sugod ng sugod, pahinga din sa presence ng Diyos, sa Kanya ka humugot ng lakas.
What profits a man if he gains the whole world but loses his soul? Yong ginugol mo na buong buhay mo kakahabol sa yaman ng mundong ito, kapatid sayang lahat ng yan kung sa impyerno din ang punta mo! Di masama ang yumaman pero hindi yun ang ultimate goal! Our ultimate goal must be Jesus, dahil sa Kanya lang may totoong buhay! Buhay na ganap at kasiya siya at buhay na walang hanggan ang inooffer ng Diyos, sana makilala at maranasan mo din ang pagmamahal Niya!
Bigla akong nagutom at natakam sa ganto, nakita ko lang to sa fb.. Haaayss.. Kelan kaya ulit makakakain nito..
Even when we can't see God's hand, He is still doing miraculous things in your life. Even when we don't understand the circumstances, He is still in control. Even when He seems to be silent, God is still with you. Trust His will. Trust the process that He has given you.
Growth happens when you start doing things you're not qualified to do. Huwag matakot sumubok na gumawa ng mga bagong bagay, dahil hindi mo malalaman na kaya mo kung hindi mo susubukan..
Magandang umaga! Bangon na tayo.. Para kanino ka bumabangon? Hehee Bumangon ka hindi dahil kailangan, pero bumangon ka kasi gusto mo. Huwag ka lang bumangon na napipilitan pero bumangon kang may saya dahil isa nanaman itong bagong araw para lumago physically, mentally, emotionally at spirituality. Be productive! Huwag nating sayangin ang araw na ito..
Kain tayo, instant noodles muna para mabilis.. Byahe ulit pauwi.. There is no better place than home..
Kanina ko pa iniisip kung malakas ba ulan kagabi kaya bumaha.. Nagulat lang ako kasi sobrang init tas pagdating ko sa part na yan baha pala..
Morning thoughts: Hindi mo mararating ang promise land/yong napakagandang plano ng Diyos sa buhay mo kung patuloy ka paring nakatuon sa nakaraan.. Sabi nga ni Isaiah, forget the former things, do not dwell on the past.. Sa halip na nakafocus tayo sa nakaraan bat di tayo magsimulang humakbang at tingnan at gawin ang mga bagay ng nais ng Diyos na ginagawa natin!
"Meaningless, meaningless! All is meaningless.. " isa iyan sa pahayag ni King Solomon sa Ecclesiastes.. Isang taong successful sa buhay, punong puno ng karunungan, nasa kanya na lahat! Pera, possessions, babae, lahat pwede nyang makuba sa isang iglap.. Pero sa dulo ng buhay nya, na-realize nya na lahat pala iyan ay walang kabuluhan! Solomon realized that apart from God, life is meaningless!
Sa presensya Niya ay may kapahingahan, Sa salita Niya ay may kalakasan. Lapit na sa Panginoon, inaantay ka Niya. π₯Ί Walang sayang at tapon na panahon at oras na iginugol para sa Diyos!
Ngayon napaka bilis na ng buhay. Kaya alisin na ang tampo at galit sa puso. π
"Bad company corrupts good character." Kahit gaano ka kasipag kung ang mga kasama mo ay tamad, tiyak tatamarin ka na din.. Malaki ang impluwensya na nagagawa sa atin ng mga taong sinasamahan natin.. Kaya napaka importanteng piliin natin kung sino ang gagawin natin kaibigan.. Choose your friends wisely, because they can make or break us!
Flex ko lang tong bagong kuting sa bahay na gustong gusto mahiga sa tiyan ko.. Ganda ng tulog e..
My source of strength, my source of hope is Christ alone! Lahat nagbabago, ang tao sadya man o hindi, iiwan nila tayo, ang pera nauubos, ang kasikatan hindi permanente.. Lahat ng bagay may hangganan kaya kung may paghuhugutan man tayo ng kalakasan, doon na sa hindi nagbabago, hindi nang iiwan, at walang limitasyon, si Lord lang yan.. Make Jesus your ultimate source of strength.. #Endunamoo #Kurios
Walang matigas na tinapay sa mainit na kape! Walang matigas na puso sa mainit na pagmamahal ng Diyos! Gaano man kasama at katigas ang puso ng isang tao kapag naexperience at naencouter niya ang pagmamahal ng Diyos maaari itong lumambot at mabago! Heard so many testimonies of people who are once a drug addict but became a pastor and missionaries..
Deserve mong sumaya, huwag mong hayaan na manatili kang lugmok dahil na pangit na naranasan mo.. Okay lang umiyak pero huwag kang manatili diyan.. Bangon!
God's timing is perfect! Never early, never late. Ang problema lang madalas, ayaw nating maghintay, ayaw nating magtiwala, pinapanhunahan natin Siya, kaya ang result nagkanda gulo gulo!
Hindi libre ang kaligtasan! Libre nating tinanggap, pero merong nagbayad para satin.. At sobrang mahal at tindi ng pinambayad Niya! #grace
Ang buhay ay hindi pabilisan o pabagalan, ito ay patatagan at patibayan! Along the way, we will experience and encounter many trials, testings, sufferings, adversaries and persecutions and the question is, will you be able to surpass and win those battles? Be strong!
Patulog na sana ako e, kaso bigla ko tong nabasa.. Nawala tuloy antok ko kakatawa.. Share ko lang po para matawa din kayo ng kunti..
Everybody started as a newbie. Be patient. It is very possible that you will be ignored for now. But when you continue to excel there will come a time when the same people who ignored you would need you. That is a fact. So keep on growing and keep ongoing..
The only safe place on earth is in the center of the presence and will of God.. Huwag mong piliing lumayo sa plano at kalooban ng Lord..
Gusto ko sanang mag upload ng picture e, kaso ayaw nya.. Mabagal siguro net ko? Suaubukan ko nalang ulit mamaya.. π
"Promises are meant to be broken! " Minsan totoo, lalo na kung pangako ng tao.. Pero may isang nangako na kailanman ay hindi Niya bavaliin lahat ng pangako Niya! I appreciate the promises made by man, but I choose to hold on to the One who is faithful to ALL His promises... Ang Panginoon lang ang nagpapako para matupad ang Kanyang pangako..
Si Lord di ka hahayaang lumaban para lang matalo lang. In fact ang buhay na nasa Panginoon ay walang talo. Because sometimes we win, sometimes we learn. .. Parehong panalo. Panalo ang manalo at panalo din ang matuto. Kaya kay Jesus, panalo ka!
Guyabano! Hindi ako nahilig sa prutas na ito, pero dahil meron nito sa bahay.. Sige na nga, titikim lang ng kunti para hindi naman sayang since walang ibang kakain dahil dalawa lang kami ni mama sa bahay..
Dati ayaw ko ng ganito, pero nagluto si mama last week ng ganito at sinubukan kong tikman.. Masarap pala, kaya pala madami ang maaga palang naghahanap na ng ganito pagkatapos ng gabing maulan..
Inenjoy ko masyado ang dagat kahapon kaya ang resulta ngayon ay mahapdi at mamula mulang mukha at balat.. Hirap magpaputi tas sa isang iglap umutim agad. hehe..
Ang takbo ng buhay mo ay depende sa kung anong pinipili mo sa araw araw. Life is a matter of choices and every choice we make makes us.. Kaya, choose wisely
Kala ko sunburn lang nakuha ko sa beach kahapon, may ganito din pala.. Kung di pa kumati kanina di ko mapapansin.. Nasulit ko talaga magbeach kahapon..
Only God can satisfy the deepest needs of our hearts and make us truly alive and happy. His love can't be explained it can only be EXPERIENCED....
Snack muna habang nagmimeditate bago matulog..