Hugot ML
Sinubukan ko ulit gumawa ng Tagalog Poem at heto ang kinalabasan. :D Paki basa kung gusto nyo. hehe "Ako at ang Kahapon" -ML Sa mga panahong tila nalimot, Bakas ang pangungulilang may halong poot Kung susuriing mabuti ito'y kukurot Sa damdaming masidhi kalungkutan ang nanuot. Pagkat ang araw aking niyapos Sumunod ang ulap, ulan ay bumuhos Rumaragasang likido sa ibaba pumanhik Tumama sa puno na ang bunga'y hitik. Aking ginuhit larawan ng hinagpis Gamit ang tinta na may halong dugot't pawis Pinilit inisantabi ang nag-iissang lapis Sapagkat ito'y nagbago, nawala ang tulis Yaong mga araw na mas matagal ang gabi Mga oras na buwan at bituin lamang ang saksi Nakatayo sa kawalan, pighati ang katabi Sa kadiliman, naghahari ang pagsisisi Dumating ang umaga at ako'y bumangon Tumingin sa salamin nabatid ang repleksyon Aking tinanggap ang panibagong hamon Ngunit hindi ko buburahin ang alaala ng kahapon. Salamat sa nagbasa
No comments yet