read.cash Log in Sign up

Magandang gabi kanoise. Hindi naman makapag post ng pic si oka pero ok lang share ko lang sa inyu kanoise ang nangyari dito sa amin kanina ngmukha akong katawa tawa. Napagkasunduan namin kanina na huwag nalang magluto at bibili nalang kami sa labas so ayun nanuod sila ng tv at ako naman ay nglinis ng kusina at naligo pagkatapos mglinis. Nang matapos na ako maligo may narinig akong kumakatok ng buksan ko na sana sabay ngsigawan mga kaibigan ko na huwag ko daw buksan. Sabi ko naman bakit may tao naman ah. Walang sumagot sa akin so nang buksan ko ulit ang pinto sumigaw na naman sila at ngtanong namn ako ulit at ganun parin wala paring sagot. Kaya naman tumingin ako sa tv kasi naisip ko baka ang karakter sa pinapanood nila ang sinisigawan nila at hindi naman ako ngkamali yun nga ang sinisigawan nila hayyssss tinawanan lang nila ako. Intense kasi daw ang pinapanood nila ehh kaya sila ngsigawan. Island zero daw ang pinapanood nila malay ko ba. Matagal ko tuloy nabuksan kapitbahay namin. Mukhang nakatunog ata na wala kaming ulam hehehe binigyan niya kami dahil birthday daw ng anak niya kaya namimigay ng ulam. Masarap ang ulam niya calderetang baka hehehe.

Log in Sign up Free places are open right now.