Binibining Manunulat
Sa mundong ating ginagalawan Di maikakailang may mga taong madalas mahusgahan Kagagawan ng mga taong walang ibang magawa Kundi ang mang-apak at manlait ng kanilang kapwa KAPWA, Isang salita limang letra Na akala ng karamiha'y karamay sa hirap at ginhawa Ngunit Di lubos maisip na sila pa ngayon ang syang humuhusga Na madalas DEPRESIYON ang nagiging bunga DEPRESYON, Napakahirap na sitwasyon Sitwasyong pakiramdam mo'y wala kang kasama Sitwasyong pakiwari mo'y di mo na kaya Di na kayang tiisin ang mga panghuhusga nila Di na rin kayang takpan ang mga tenga Di na rin kayang dalhin ang bigat na nadarama Di na rin kayang makitungo sa kanila kaya't mas piniling mapag-isa Ngunit sa pag-iisa'y may Diyos na naalala Dakilang Diyos na sayo'y naglikha Diyos na kailanma'y di ka iniwan Sa kabila ng nagawa mong mga kasalanan Napagtantong mali ang salitang "di ko na kaya" Dahil "kaya ko" pagkat kasama ko Siya Di man nauubusan ng problema't mga suliranin ang buhay Asahan mong ang Diyos sayo'y laging gumagabay Husgahan ka man ng mga mapanghusgang tao Saktan ka man ng mga taong mapanaket dito sa mundo Wag na wag kang gaganti dahil ' di ka talo Pagkat may Diyos kang sa Kaniya'y ika'y panalo Suklian mo na lamang sila ng pagmamahal Baka sakaling sila'y matauhan at matutong magdasal Itatak mo na lang sayong puso't isipan Ang mga katagang aking bibitawan "iSMALL-in ka man ng mundo, may Diyos namang laging umiiBIG saiyo"
No comments yet