Lahat tayo ay gumagawa ng mahusay na trabaho dito. Ipagmalaki nating lahat ang ating sarili.
Napakadali lang para sa atin na maappreciate ang tagumpay ng ibang tao, bubugbugin ng matatamis na salita at ipaparamdam na suportado mo sila. Napakadali lang para sa atin iparamdam na kung gaano tayo natutuwa sa kanilang tagumpay. Ngunit madalas ito ay isang bagay na hindi natin karaniwang sinasabi sa ating sarili. Kailan ba ang huling araw o oras na naappreciate mo ang iyong ginagawa? Kailan mo ba huling binanggit ang salitang 'Good job self?' Kadalasan palagi natin nakakalimutan bigyan ng kredito ang ating sarili para sa nagawa nating mahusay na trabaho. Minsan hindi na natin trinatrato ng maayos ang ating katawan sa paraang kailangan nito. Or we don't prioritize our mental well-being the way we need it. Napakadali lang para sa atin na purihin ang nakamit na tagumpay ng iba, ngunit bakit mahirap gawin kung ito ay para sa ating sariling kapakanan? Alam kong mahirap pumalpak para sa ating sarili ngunit minsan kailangan din nating pahalagahan at kilalanin ang ating sariling pagsisikap. Bigyan ang ating sarili ng kredito para sa pagtatrabaho natin ng maayos maliit man o malaki ang ating nagawa. Para sa ating sarili, lagi nating bigyan ng kaunting oras upang tapikin ang ating balikat at sabihin, 'mahusay ka.' Dito sa ating mundong ginagalawan wala kang ibang kakampi kundi sarili mo lamang. Kaya walang masama kung purihin din natin ang ating sarili tulad ng kung paano natin ito ginagawa para sa ibang tao. Patunayan natin ang ating mga damdamin tulad ng kung paano natin napatunayan ang iba. Sabihin natin sa ating sarili kung gaano tayo kamangha-mangha, kung gaano tayo kahusay sa mga tao. Maging proud sa iyong sarili at sa iyong mga nagawa. Kung kaya mo itong gawin sa iba dapat kaya mo ding gawin sa iyong sarili. Walang masamang humanga sa gawa ng iba pero huwag mong kakalimutan ang iyong sariling nagawa. Good evening!
No comments yet