Dahil di kami nakapunta ng panchon o cementery para bisitahin ang puntod ng aking ama,lolo at lola,dahil binagyo kami at binaha, nagtirik na lang kami sa bahay ng kandila, medyo nalinisan na rin namin ang tindahan at kusina.Ibabalik na lang bukas sa dating pwesto ang mga gamit at ang kahulihulihan ay paglalaba at paliguan ang alaga namin aso kapag medyo umaraw araw na.
@Ghie4945 in November 2022
Morning guys,kakagising ko lang,sarap ng gising ko medyo malamig ang panahon this morning,pero nakaelectricfan ako kagabi mainit kasi. Makapag almusal na at medyo sumilip na ang haring araw, need ko muna labhan ang mga basahan sa bahay para matuyo agad at magamit,sa totoo lang nun una hindi namin alam kong paano kami magsisimula ng pag aayos sa bahay maigi naman at untiunti ng nalilinis ang bahay. Maigi na lang wala kaming nabasang mga small appliances ,kutson,unan,kumot atโฆ
Kain tayo guys, corn beaf n may itlog, stop muna paglilinis at maya na ulit ituloy๐๐๐. Nalabhan ko na mga basahan at nalinis na rin kahit papaano ang terrace,naibalik na unti unti mga gamit sa tamang lagayan.
Super pagod nanaman ang araw ko,ang sakit ng bandang paa ko,kakatayo sa mga gawain. Maganda na panahon ngayon,nakita ko kasi may Moon light na sa kalangitan at may nakita na rin akong nag iisang bituin sa langit,di ko lam kung bituin yun o planet hehe, paglabas ko ng bahay para isara na tindahan namin. Di natuloy pinsan ko ngayon araw, pupunta sana sya para tapusin gawain sa bahay namin, may nilakad ata, or napagod siguro din sa paglilinis. Bukas maglalaba ako ng mga bedโฆ
Sa sobrang busy ko, di na ko nakapagpost kanina. Marami din ganap dito samin. Dahil nga kakatapos lang ng baha sa amin. May palugaw kaninang umaga dito samin, kahapon din at nakakuha din ng 3 kilong bigas galing sa barangay. Di ako umabot kanina,may namimigay ng bagong kutson sa labasan namin, pero ok lang naman na di ako nakakuha dahil nasave nman namin yun kutson namin. Naibalik ko na rin sa bagong pwesto ng tv namin, as of now kinig lang ako ng radyo sa kwarto dahilโฆ
Morning guys,mag aalmusal pa lang,this time tuloy na tuloy ba laba ko,wala ng makakapigil,by the way birthday pala ng kuya ko ngayon,maybe magluto na lang si mader ng spagetti at yun na pananghalian namin. Next time gusto ko subukan to lutuin, nagccrave ako kumain ng Pancit palabok, gusto ko sa palabok yun mataba ang noodles, sana may mabili ako nito na Mama Sitas palabok mix, maghahanap pa ko nito sa market.
Eto na yun spagetti ni mader, nalate post lang, yan na yun tanghalian namin kanina. Happy birthday sa aking mabait na Kuya, balak sana namin pumunta ng Robinson, yun talaga plano, kaso di natuloy gawa ng nagdaang bagyo kaya sa bahay na lang nagluto ng spagetti, mabuti na lang may stock si mader sa tindahan namin at naitaas nman lahat ng paninda kaya walang nabasa. Anyway ngayon pa lang ako maglalaba, nabusog na eh,simulan ko na baka abutin nman ng antok at katamaran,โฆ
Namimiss ko ng tumaas to, to the moon na...๐๐๐๐๐๐
Morning guys, makapag almusal na at simula nanaman ng gawain bahay. Kahapon nakapaglaba ng konti, ngayon laba ulit ng konti. Napansin ko lang yun Noise app parang wala na sa play store. Anyway parang di nabahaan, parang naggeneral cleaning lang, malinis gawa ng tiles ang floor, kusina na lang walang tiles.
Nagluluto na si mader ng pananghalian,while ako dito sa kwarto, gumagawa muna saglit ng pagkakaperahan,maya pa ko maglalaba pagtapos ng pananghalian, maibabad muna labahin,haiz puro kami may sipon sa bahay,kaya nman nagpabili si mader ng kalamansi sa freind ko na lalabas, mahal ng kalamansi 1/2 kilo 50 pesos na, tapos kanina bumili sya dalanghita sa naglalako 45 pesos dinig ko ewan ko kung kilo yun bili nya mahal din daw eh.
Late post, lunch namin kanina ginisang itlog na may ampalaya,mabuti na lang at may naglako, nakaluto din ng gulay si mader. Natapos din labahin, bukas ulit ang ibang natira. Namali pa ko ng picture kanina, denelete ko tapos post ulit haha
Goodnight guys, ang sarap matulog ngayon di mainit sa piling ang kwarto, pero kahit di mainit gusto ko may fan pa rin kaya binubuksan ko na lang yun small fan ko na rechargeable, pwede din sa kuryente,yun lang kapag nkakabit sa kuryente no 1 lang hangin nya pero ok lang nman basta may air pa rin.
Umagang umaga tulog pa ko kanina, ginising ako ni mader dahil may namimigay daw ng lugaw, tinapay at dalanghita sa barangay, di sana ko pupunta, pero naisip ko sayang din kaya nagpunta ko dala ko ang mahiwagang rice kaserola, yan din dala ko nun may namigay din ng lugaw hehe. Para di ako mahirapan magbitbit, good for 4 person kasi kakain hehe,binigyan nman ako sa barangay saka apat na sandwich, isang plastic na dalanghita๐๐๐
Computer room,nilagyan ko ng tabla yun ilalim ng hagdanan namin para dito ko magloptop, di na sa maliit namin kwarto,pero sa gabi kailangan ko sya takpan ng karton o kahit na ano para di mascrach ng mga alaga kong pusa sa gabi, lagyan ko pa ng ilaw para mas maliwanag.
Umagang kay Ganda,umagang umaga pagkagising ko may ginawa nanaman kalokohan tong dalawang alaga ko, si Katkat umakyat nanaman sa kisame nag ala-Batman nanaman kagabi, pinahirapan nanaman ako hulihin sya, at etong si creampuff mukhang sya nman salarin ng pagtumba sa electricfan ko, buti nilapag ko kagabi sa sahig, nakapatong kasi to sa silya na bilog.
Ang mumunti kong computer room sa ilalim ng hagdanan. Lagyan ko na lang ilaw kahit led lights o lamp shade
This morning, pinapaltan na ng mader ko ang yero namin sa bandang kusina lang dahil tumutulo na at luma na rin yun bubong puro kalawang na sa sobrang tagal.
Mayron nanaman ako babayaran sa lazada,need ko din kasi sa loptop ko proctection na wag madumihan at need ko din ng ilaw sa loob ng computer room ko,nka discount nman ako ng 80 pesos sa dalawang inorder ko, di ako nkakasilip ngayon sa Shoppee, mahal kasi shipping fee ngayon sa Shoppee, yun discount din nila minsan parang nakakaloko hehe
Guys, may nakita ba kayo blood moon, ako kasi kadiliman nakita ko๐๐๐.Siguro natatakpan ng mga kabahayan๐. Anyway ulam pala namin kanina tinolang manok, may natira pa kaya ulam na rin ngayon, matabang kumain si mader ko kaya nagpatis na lang ako kanina, natapos din karpintero namin kanina, next time na lang ulit ang pagawa once magkapera na ulit๐
Ulam namin ng hapunan Daing at yun natira kaninang tinolang manok. Sa ngayon malapit na kami magsara ng tindahan, si Mader parang gustong pumunta sa Grocery bukas at dun mag order ng paninda nya para daw nakakapamili sya ng oorderin then next day idedeliver sa bahay,sabi ko order na lang sya sa bahay para di na sya pumunta, pero mukhang di matutuloy bukas dahil naubos ang pera sa pagawa, kaya baka next week na lang sya oorder daw.
Umagang kay ganda, bago gawin lahat ng gagawin sa bahay nagbreakfast muna me kanina ng niluto ni mader na pancake at nagtimpla ko ng mainit na kape. Pagtapos ng gawain sa bahay eto at sinisimulan ko nman ang extra extra sa cp at loptop, pambayad sa inorder ko sa lazada hehe.
Sayang di ko navideohan si Katkat, yun pagtalon nya haha๐๐๐. Maikwento ko lang si katkat tumulay sya dyan kagabi, sarado yan pinto. Tapos sabay lundag, kinapos nga lang ng talon at di nya naabot yun kapirasong butas sa taas, nalaglag sa pagtalon haha, buti pagbagsak nya sa hagdanan bagsak nya๐, di sa semento,parang walang nangyari nun bumagsak di man lang nabalian๐๐๐
Share ko lang food namin kanina tanghalian, mirienda at hapunan na rin, isang lutuan na lang, ganyan kami magluto tapos may kanin din, bali ulam na rin yan๐ sopas sa amin. Kung konti na lang matira sa gabi nagdadag na lang ng kahit ano na makita sa tindahan๐
Dumating na din yun isang inorder ko sa Lazada kaso mali yun switch nya dapat sa wire, same other seller pala mali pinadala not same sa picture,ininform ko pa si seller same sa picture ipadala, thank you lang reply, mabuti na lang gumagana, nakabalot lang kasi sya sa bubble wrap, kaya sa rating binigyan ko pa rin ng 3 star, mabuti na lang din isa lang inorder ko.
Sarap ng tuyo, ayos na ayos kapartner ang gulay na niluto ni nanay na may tokwa, baquio beans, siling presko,sotanghon,toge at repolyo.
Dumating na rin yun loptop bag ko size 15.6 inch, mabuti at nagkasya pati cooling fan ko, yun lang super sikip na sya,sa pocket naman yun charger at mouse. For emergency ko lang to magagamit, lagi ko kasi gamit ang loptop ko.
Kainis naman sa pambata na nga lang ako naghanap ng size ko sold out pa rin๐๐, Kapag nabili ako ng shoes, sa Kids section ako naghahanap, wala kasi ko makita na size ng paa ko sa liit๐
Late post sa sobrang busy ko kanina, ngayon ko lang napost hehe. Adobong manok na may pine apple tidbits ulam namin ng dinner. Ngayon eto kaharap ko ulit ang loptop ko at manonood ako ng Darna lipad sa yt habang ginagawa mga extra ko while si Darna naman ginagawa mga extra nya haha.
Gandang morning, ganda nitong upuan na to ayos na ayos sa loptop room ko, kaso lang need ko pa ayusin yun ilalim nyan dahil dalawa yun nawala yun screw at nauga sya,medyo makalawang na din yun bakal,need pa ayusin. Binigay yan ng bayaw ko kasi bumili na sya ng bago para sa anak nyang student,nabasa kasi yan ng baha ginawa ko hinugasan ko at pinaarawan kahapon.
Nakaabot ng stub,may namimigay kasi ng stub kanina isang charity group at naikuha ko rin yun sa pamankin ko. Sayang din pang isang araw din to na bigas sa amin at may noodles at de lata na kasama, mabuti na lang at nakiusyoso ako sa labasan kundi di ako nakakuha ng stub, yun iba di nakakuha dahil naubusan ng stub.
Tena guys skyflakes at kape tayo.Pangtanggal ng antok๐, Nagdelete pa ko nun una haha namali kasi ng picture๐
Dahil tinamad na magluto ngayon gabi napa order na naman ulit ako sa Mcdelivery, comvinient naman sa akin dahil di na magluluto at maghuhugas ng plato, magagawa ng maaga ang kailangang tapusin at makakatulog din ng maaga, kung maaga nga ko antukin. Sunday, pero eto ako umeextra extra para may pambili ng needs at wants na din, ganyan ang buhay natin sa mundo.
Watching KMJS, sino kaya yun nanghuhubad sa kanila sa Leyte, bitinin na naman ni Jessica Soho haha. Nakakagulat din yun may pamana daw na naiwan.
Sino kaya yun nanghuhubad na yun, curious din si mader sa KMJS. ๐
Bumisita ko saglit sa kamag anak namin na namatayan,bali asawa ng pinsan ko sa side ng tatay ko. Buhay talaga ng tao di mo masabi kung kailan ka kukunin,natutulog lang daw yun tapos di na nagising,wala naman daw yun ibang sakit.
Hopefully maganda tong naorder ko, gusto ko sana brown kaso sold out na, kaya gray na lang, gusto ko rin nman ng ganitong kulay pagdating sa sapatos mayron din ako gray,sa kids section ko binili, wag mamali ng size at di kakasya sa paa ko, to lang saktong size sa paa ko, liit ng paa ko di ba, ngayon dating nito o either bukas.
Eto nga guys, dumating na inorder ko sa Lazada saktong sakto lang talaga sya sa paa ko, ok na ok sya malambot sa paa, di na lalamigin paa ko sa gabi lalo sa sahig namin sa tiles,paglakad lakad ko, akala ng makakakita may ari nito bata hehe,paa ko kasi pambatang size hehe.
Morning guys,good day ๐๐๐ Ano ng balita? halos lahat ba sa ngayon walang narereceive. Ako kasi last na nareceive ko nun Nov. 13, kayo ba guys. Anyway, bibisita na lang muna ko paminsan minsan dito hehe, kailangan ko magfocus sa mga earning site at hahanap pa rin ng ibang raket na walang katapusan raket para kumita๐๐๐
Sarap nito bibingkoy, nakakita ko sa palengke kanina napabili ako 27 pesos na sya isang balot, bali dalawa lang binili ko, hati na lang sila ni kuya ko sa isa mamaya๐๐๐
Late post, nabusy buong maghapon,dinner namin kanina. Bumili na lang yun fren ko ng ulamin namin kanina. Liempo namiss nya daw kasi mag ulam ng baboy, nadamay na rin ako dahil miss ko na rin mag ulam ng baboy, bihira lang kami mag ulam ng ganyan bukod sa mahal, masama din kapag lagi hehe. Liempo at lechon manok. Maya maya matutulog na rin ako,umeextra lang, dami ginawa kanina.
May bago nanaman collar mga alaga ko, masisira na rin kasi yun dati nilang collar, suutin nila ngayon December๐
Kailangan ko na ba talaga palitan ang tv plus hehe, naka ilang scan nanaman ang brother ko para makuha ang Gma 7, sa akin naman di ako mahilig mag tv puro sa loptop at cp na ang madalas ko hawak, dun na rin ako madalas manood. Ang mader at brother ko lang ang madalas manood ng tv, tv at radyo yan libangan nila na pakinggan hehe.
Morning breakfast, tena kain, meatloaf at hot choco coffee, makulimlim nanaman samin.
Tilapia ulam namin ng dinner, nabusy ako, ngayon lang ulit nkapagpost.
Yun christmas tree namin buhay na buhay na with christmas light,nakuha lang namin yun mga balls sa patapon na at lights saka yun stand, sayang eh itatapon maayos pa pati lights gumagana pa.
Morning guys,sana pala binili ko na yun order ko sa shein nun sunday, 126 lang sana babayaran ko ganun din kapag COD nasa 100 plus lang din. Nabago yun computation nya nun monday, kailangan ko pa tuloy magdagdag para makuha ko yun free shipping, nakatipid pa rin naman dahil malaki din yun naipon ko na points sa Shein, sana maganda yun ear pods na nabili ko 199 ko lang sya nabili price nya 465 pesos, tapos yun sumbrero nasa 51 pesos ko na lang nabili sa price na 119 pesos.โฆ
Ngayon lang ata ko nakakain nito, tawag daw dito Dinakdakan, yan ulam namin kaninang lunch, para pala syang sisig ang sarap nabitin kami kanina, kinulang yun order nya, dapat pala daw ginawa na nya apat na order, binili ni jowa ni fren ko, pero minsan lang dapat kumain nito dahil baka tumaas dugo lalo na yun may high blood hehe.
Share ko lang dinner namin kanina Adobong Manok na may niagang itlog. Sarap ng luto ni mader kanina lalo na kapag may bisita sa bahay๐๐๐
Sana nga talagang bumalik na sya,kahit small amount, may paramdam pa rin.Last nun Nov.13.
Eto yun "My Day" ko this morning, mabuti naman at 30 pesos lang siningil sakin sa vulcanizing shop, tapos dumaan din ako sa biking shop pinacheck ko yun break ng bike ko, inadjust lang yun break at di na ko siningil, nagpunta din ako sa hardware para tumingin ng screw bolt nut ba tawag dun para sana sa office chair ko kaso wala sila nun, puro small size lang ng screw ang nasa kanila. Siguro makikita ko yun sa loob na na ng Mall ng hardware. Bumili na lang din ako ng lechonโฆ
Lilipad na item ko, malapit na kami magkita hehe, hopefully maganda sya pagdating, almost 1 week din sya bago ko pa mareceive๐๐๐
Astig watching Darna๐, dami na nya kalaban hehe. Anyway aalis nanaman ako bukas para sa Eye Laser ni mader, tuloy na sya bukas, matagal na rin nakuha ang requirement, natagalan lang dahil need mag ipon ng pera, both eye is 16k mabuti at may philhealth at senior citizen card kundi nasa 25k babayaran.
Eto na nga dito na kami ulit sa pagpapalaseran ng mata ni Mader, waiting pa kami, late na kami dumating, late na kasi nagising, medyo sakit pa ng ulo ko pagbangon ko kanina,pinaka ayaw talaga namin kapag maaga narurush kami,di na nakaligo this morning nagbreakfast na lang tapos nagpoops hehe
Natapos din yun paLaser nya kanina, madali lang pala, saglit lang din, nakadaan pa kami ng palengke kanina, napagusto sya ng grapes kaya ayun napabili at iba pa din things tapos kumain na lang kami sa jolibee bago umuwi kanina para di na magluto pagdating, kaso nalimutan namin bumili ng maiuulam para mamayang gabi, kaya bahala na lang kung ano ulamin mamaya.
Yun item ko sa Shein dumating na, ay sobra nman ako natuwa at ang ganda nya, tinest ko na rin, ayos din yun sound ng earpods tapos yun head caps ok na ok din, di nman tanggal yun sticker maganda din yun tela makapal at sakto yun adjust nya sa ulo ko, pwede na sa 199 pesos yun earpods at 51 pesos yun head caps sulit na sana lang matagal ko sya magamit.
Sarap nun spagetti at biko na binigay ng kapit bahay namin kanina late ko na napost super busy din kasi kanina at umidlip ako.
Favorite ko panoorin to nun nagwowork pa ko dati sa malaysia, astro cable tv. Di ko na matandaan yun iba pang pinapanood ko na maganda bukod dito. Naisipan ko panoorin bago matulog, inienjoy ko yun nabili ko na ear buds super naeenjoy ko sya gamitin, matagal sya malowbat tapos yun size nya parang lagayan lang ng singsing sa liit. Ganda nya talaga, sana matagal ko sya magamit.๐๐๐
Naku naman katapos lang ng pananghalian namin kanina, aga ko naman magutom ulit. Eto yun model na nabili ko earbuds sa Shein worth 199 pesos ko na lang sya nabili pero yun price nya 465 pesos so super laki talaga ng nadiscount ko at dahil nakita ng friend ko na maganda yun nabili ko earbuds, napa order agad sya sa Shein, malaki na rin naipon nya points kaya malaki din nadiscount nya nabili na lang nya 195 pesos thru Gcash nman sa kanya, sa akin COD. Free shipping plus bawasโฆ
Kain pa lang ako ng dinner,sinigang na baboy, ulam namin kanina rin tanghali, nimierienda ko rin kanina at ngayon nman dinner din, marami din kasi natira at niluto namin kanina ni friend, di makaluto si mader kaya kami nman nagluto kanina.๐๐๐
Blessed morning guys.Church muna.๐๐๐
Good eve,Multi task muna,ayoko muna sumilip sa mga shopping online haha, LAZADA, SHOPEE at SHEIN ๐ ๐ ๐ . Mapapagastos nanaman ako, need ko na naman mag ipon at kakabayad lang namin ng mga bayarin MERALCO at MAYNILAD,maigi na lang at wala kong internet na binabayaran monthly, prepaid lang ako. Tapos malapit nanaman December daming dadaan nanaman na occasion. Ang mga pinoy alam nyo naman kahit papaano naghahanda kahit konti sa Pasko at Noche Buena. Tapos sa Pasko nandyan yun mgaโฆ
Wala pa ko ibang maipost this morning kundi tong cute kong alaga na si Creampuff at Katkat. Ang gaganda talaga nila sa picture db. Anyway magbreakfast pa lang ako ngayong ng nilagang saging, maya maya aalis kami ni mader para icheck yun left eye nya na nilaser. Tapos malaman namin kung kailan ulit schedule ng next right eye nya. Sabi ng bago nyang doctor ngayon nun naoperahan sya before sa PGH, hindi maganda pagkagawa ng lense sa mata nya durog durog daw yun lense, ibigโฆ
Ok din pala yun pagpindot ko sa Lazada at Shopee dito, laki ng points na nakuha ko sa pagbrowsing lang. Pero kung dito ko dadaan para magbayad thru gcash ayoko gawin, for safety na rin na possible na mahack yun account sa gcash. Directly na lang sa apps para sure na walang hacking na magaganap. Sa mga wala pa Mag install lang kayo ng Share it sa play store Eto Referral Code:PHvNaNA7cI Pwede ilagay din every 3 days, para dagdag points sa Share it nyo.
Late post ko kanina while pagkatapos namin ni mader magpacheck up ng mata sa doctor nya na naglaser ng mata nya, so sabi ng doctor ok na yun left eye nya uubusin na lang yun pagpatak ng gamot. Napagastos pala talaga kapag nagkakaedad na maigi na lang talaga at napaghandaan nya kahit papaano. Yun kada pcheck up sa doctor gagastos ka na ng 500 pesos sa private plus gamot pa na 250 pesos at yun eye laser nya na nasa 8k isang mata lang,may philhealth pa yun at senior,taposโฆ
Wala nanaman ako ibang maipost kundi tong makulit ko na alaga. Maikwento ko pala this morning paggising namin, tumbahan lahat ng balls ng christmas tree,pati christmas tree din, sa lapag ng sahig, 2nd time na to na natutunan nila na paglaruan na tong christmas tree namin๐ ๐. Kaya simula mamaya ilalagay na ni mader sa loob ng tindahan ang Christmas tree bago matulog,ang mga pasaway namin alaga na si Creampuff at Katkat tuwing gabi alpas sila hehe
Maikwento ko lang nun kahapon na kumain kami sa loob ng Jolibee,habang kumakain kami naexperience nyo din ba na may lumalapit sa inyo,mayron nag aalok minsan donation, o kaya nagbebenta ng kung ano ano. Kahapon kasi lumapit samin isang teenager na babae, inalok nya ko ng ballpen na tinda nya gelpen type worth 35 pesos isa, kahit lam ko mura lang to sa tindahan binili ko na rin, parang tulong ko na lang din sa kanya dahil nag aaral daw sya need daw nya pandagdag baon ba saโฆ
Morning guys nag update pala kahapon ang Noise app. Bakit kaya kapag sinearch ko sya sa Play Store di ko sya masearch pero nandun pa rin naman sya sa play store, may review at rate din naman. Nalaman ko lang nag update pala sya, dahil may notification ako nareceive sa play store๐. Anyway, kumain na ba kayo ng almusal, ako babangon pa lang para kumain. Wala signal ang Globe kagabi kaya medyo maaga ko nahiga kagabi.
Pangtanggal antok sa nakakaantok na panahon, mukhang kulimlim at uulan. Multi task ulit habang nanonood ng Abot Kamay ang Pangarap.