read.cash Log in
@Gerl more from that month

Kanya kanyang reklamo any mga anak ko. Sana paglaki nila matatalino to haha! Yung isa kong anak di na daw sya maniniwala sa sasabihin ng teacher nya. Kasi last week pa talaga nagsabi ang teacher nya na may reading assessment pero hindi naman natutuloy. Tapos nung isang araw online class pero di naman natuloy sabi kahapon daw tapos di ulit natuloy tapos mamaya ulit ng hapon. Sabi ng anak ko bakit maraming bukas na ang sinabi ng teacher nya tapos di naman natutuloy. Ayon sabi ko nalang busy kasi ang mga teacher kaya laging di natutuloy. Never nya pa kasi nakita ang teacher nya simula nung September 13, unlike sa dalawa nyang kapatid na 2x na nag online kamustahan at 2x na din ang reading assessment. Binilhan ko pa kasi sya ng uniform dahil gusto ng teacher ay nakauniform kapag nag oonline kamustahan. Ayon sabi nya labhan ko daw muna yung binili kong uniform kasi hindi naman daw matutuloy mamaya ang online class.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.