Late na naman ako nagising! Kapag walang pasok ang asawa ko sa trabaho lagi akong late magising kasi di nya ako ginigising. Ngayong umaga nagising ako kasi yung dalawa kong anak dinala sa kwarto ang mga hinog na saging at saka ako ginising. Lutuin ko na daw kasi lahat na color yellow 😅. Mga pasaway talaga. Kahapon kasi nabitin sila dahil iilan lang ang hinog kaya iilan din lang ang naluto ko. Kaya ngayon pag gising nila saging agad naman ang tiningnan.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet