Gaano kayo katipid ngayong unang buwan ng 2022? Nasa new year's resolution niyo ba ang magtipid? Wala akong new year's resolution pero isa ang pagtitipid sa mga gusto kong gawin ngayong taon na to. Sana hindi sa simula ng taon na to, sana palagi. Hindi lang basta pagtitipid, maging praktikal sa mga gastusin sa lahat ng oras at panahon ☺️.
4 comments
Saken kaingay wala naman..hehe sa pag titipid naman nassken naman na yon..mula nagkaasawa..dahil ang aking mr ay masinop sa pera..pag di naman kailangan..yon iwas talaga sayang ang pera pag maging useless lang kalaunan..diba sis..
Tama sis . Kaso minsan kahit anong gawin mong pagtitipid pag yung mga bilihin e sobrang mahal nasisora talaga ang budget e hays
Ang pagtitipid ang isa na sa nakaugalian ko kaya minsan nasasaktan ako kapag tinawag nila akong kuripot. Iba po kasi ang kuripot sa nagtitipid..
Ako rin sis gusto kong magtipid pero talagang sinusubok ng buhay char hahaha pero kaya natin yan, limitihan ang ating sarili haha