read.cash Log in
@Gerl

Nakatulog ako ngayong hapon, ang sakit Ng ulo ko. Nanaginip ako at napakasamang panaginip. Di ba may mga kinukuhang bata na nababalitaan Tayo..jusko Yan ang panaginip ko SA isa Kong anak. Habang kasama ko Sya bigla nalang syang dinampot Ng isang lalake. Syempre hahabulin ko at nagsisigaw ako. Pero parang Di ako makatakbo at Di Rin ako makasigaw hanggang SA Di ko na nakita Yung anak ko. Buti nalang nagising ako SA ingay Ng mga anak Kong naglalaro.Binabangungot na Pala KO. SA sobrang pag iisip ko din Yan Kaya minsan napapanaginipan ko talaga. Tuwing papasok na school halos araw araw Kong naiisip paano pag kinuha ang anak ko...Hindi Ito ang unang napanaginipan ko sila, Kaya siguro aligaga din ako minsan kapag Hindi ako kasama SA paghatid sundo sa kanila. Pwede ring paalala to saakin dahil halos araw araw ko Ng inuutusan SA tindahan ang anak ko. Pinapraktis KO Kasi silang bumili SA tindahan na walang kasama. Hay naku, mas better na Yung sure na safe kesa lagi akong nag aalala.

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.