Neighbor's Cat ♥️ One of the things that bothers me but makes my children happy. Simula nung nakagat ng aso si bunso, parang nagkaroon ako ng trauma sa parehas aso at pusa. Isa din to sa mga rason Kung bakit nagdadalawang isip ako na magkaroon ng pet sa bahay. Kailangan alagaan talaga at higit sa lahat, ayoko ng maulit yung nangyari sa bunso. Makwento ko lang yung time na nakagat ng aso ang anak ko, yung sakit na naramdaman nya dahil sa epekto ng mga vaccine ay ramdam na ramdam ko din. Iba iba yung side effect pala ng vaccine, depende katawan ng tuturukan. Kaya ayon, basta doble ingat talaga ako ngayon sa mga pet katulad ng aso't pusa. Katulad ngayon, tuwang tuwa sila sa pusa kaya nakabantay ako sa kanila. Hanggang tingin lang, bawal hawakan. Kaya siguro feeling ko lagi akong pagod at stress kasi bantay sarado lagi ang mga bata. Hindi katulad ng ibang nanay na nakakaalis ng bahay na kahit walang bantay ang mga anak. Minsan gusto kong subukan pero hindi ko talaga kaya. So ayon, share ko lang to. Maaaring OA sa iba pero saakin HINDI.
No comments yet