read.cash Log in
@Gerl more from that month

Naranasan nyo na ba ang mag plan na puro plan lang talaga ang nangyari? Ako oo, sa kasalukuyan..malapit ng matapos ang taong 2021 pero sa lahat na plinano ko wala kahit isa ang natupad. Nagttry ako, pinipilit ko pero wala talaga. Isa pang try ulit next year, ang madadagdag next year siguro face to face classes. Ano kayang susunod na mangyayari habang nag aaral na ang tatlo kong anak na face to face classes. Syempre dagdag gastusin, sa oras syempre not sure kasi ngayong modular class ubos ang oras ko na di ko nagagawa ang gawaing bahay. Kapag face to face naman, may advantage dun yung teacher ang magtuturo tapos makakalabas ang ga anak ko, may mga makakasalamuhang ibang tao. Siguro tabla lang.. Ang pag iigihan ko yung raket bga para makatulong sa gastusin. Savings talaga ang di ko matupad tupad sa mga plano ko.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.