Narevive pa yung Alocasia ko! Nakakatuwa, kaya ayan na naman ako, tuwing uulan at iinit palipat lipat ako ng lagayan nito. Kapag umuulan kasi binabaha dito, galing pa sa kanal ang tubig na galing sa mga lababo yung mga may sabon kaya di talaga pwede. Kapag umiinit naman sobrang init dahil dry na dry dito, wala naman lupa dahil sementado hehe, kaya kailangan talagang alaga ang halaman. Pero priority ko yung halaman na ipinasok ko na sa bahay, yung peace Lily at snake plant kasi maganda talaga sya sa hangin sa loob, may purpose po kung bakit tayo naglalagay ng halaman sa loob ng bahay. Hindi lang yan pang display, kundi pang "purify ng hangin" sa loob ng bahay. Lalo na dito saamin, masikip, maalikabok at konting hangin lang ang nakakapasok.
No comments yet