Sayang ng oras talaga namin kapag teacher ng Grade 2 kong anak ang nagbibigay schedule ☺ palagi.....tapos ngayon ang oras na binigay 11:10 kung kelan tanghali na nagluluto na ulit ako at kakain pa kami. Next time di nalang kami aattend kasi magbibigay schedule 10 am, tapos di tuloy 1 pm nalang tapos di tuloy 3 pm nalang. Sa mga oras na yan may mkakasabay ng kinder at grade 1 ko 😢 araw araw yan. Ang ending lalo akong walang natatapos na gawaing bahay kakaantay kasi nga syempre nagpprepare kami, ng uniform na suot ng anak ko, ng dalawang bata na minsan pinipilit ko matulog at stop muna sa module para walang istorbo sa mag online class.. Hays... 1 month na isang beses lang talaga ang natupad ni maam . ayoko sana mag share nito dito kaya lang nakakairita grabe. Hirap pa naman mag message sa kanya kasi di nagrereply at ayaw pa ng pm.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Dapat be professional naman sa time si Teacher hindi yung paiba iba ng time.
Okay lang naman sana kung i move nya pero dapat walang kasabay na ibang grade level at huwag move ng move ng oras sa iisang araw lang. Katulad ngayon, naglalaba ako habang nagluluto tapos 11:10 nag umpisa ang online class nya.
Multi tasking na ang ginagawa niyo para makahabol sa oras.
Nako akala ata ng teacher ng anak mo e 24/7 kang naka antabay sa anak mo. Pag meeting-an nyo na lang ses.