Oi grabe Pala ang presyo Ng sibuyas ngayon. Bakit sibuyas pa??? Maraming produkto ang pwedeng taasan Ng presyo huwag Naman Sana ang sibuyas. Matagal na siguro to nagtaas kahapon KO Lang nalaman. Inutusan ko ang anak ko na bumili tapos 5 pesos Lang pinadala ko Kasi isa Lang Naman. ABA pag uwi kulang pa daw 5 pesos eh isang maliit na sibuyas Lang Naman. Ano Yun sampung piso ang isang maliit??? Dami KO Ng Di nalalaman tungkol sa palengke talaga kahit ako ang taga Luto SA bahay. Parang sangkap palang SA lutuin ubos ang kapiranggot na allowance namin. May suggestion ba Kaya na ibang pampasarap Ng pagkain na Di gagamit Ng maraming sangkap??
6 comments
Dito sis 12 pesos na yung maliit na sibuyas,good morning pala
Minsan nga 15 pa sa iba. Grabeeeehan lang sa pagpresyo naman.
Kami dati pa naming ginagawa pagwalang sibuyas sa kusina o naubusan bawang lang sapat na kadalasan isang buo pinangigisa ko.Kung gulay samahan nlng ng knorr cubes ,betchin or guinisa flavor mix.Kung tutuusin mas importante ang bawang second demotion nlng ang sibuyas.Good Morning:)
That's already enough to flavor soups.🤗👍♥️
Sobrang mahal sis 400 na kilo dito samin nabili kasi ko kada sahod ng pang kunsumo namin hanggang sa sahuran ulit.Hays yan pa naman ang ayaw kong mawala pag magluluto ako.
Grabe mas Mahal pa Pala SA karneng baboy hehe. Yan din nga ang ayokong mawawalan talaga.