Jusmio, kakaubos ng lakas. Nav kape pa naman ako kasi nga naglilinis ako dito sa loob. Biglang umulan ng malakas ayan kadiri yung baradong kanal ang bilis na binaha kami buti nalang may naka ready akong plastic na pag harang sa ilalim ng pinto namin kaya hindi nakapasok ang tubig. Ito yung kinakasama ko ng loob ilang weeks na kasi yumg may ari ng apartment hanap nya ang asawa ko para magtanggal ng barado alam naman nila na tuwing gabi lang nandito yun kasi may trabaho araw araw. Dapat sila ang mgtatanggal niyan hindi kami. May mga sampung mga lalake na nakatira sa may taas namin, mga construction worker na nagtatrabaho sa kanila, ngayon lang nila inutusan na magtanggal kasi may nagreklamo ng isang nagrerent din dito, habang natutulog pinasok ng tubig ang bahay. Kung di pa nagreklamo di pa sana tatanggalin, di man lang nahiya saamin ilang taon na kami ditong nakatira wala silang ginagastos na pang maintenance dahil ako mismo nag aayos ng nirerentahan namin. Kakadiri pati mga poops ng pusa ng kapitbahay ako ngtatanggal. Kabadtrip ngayon pero okay lang buti nalang tinanggal na nila ang barado.
No comments yet