Ang gusto ko lang naman mangyari, lahat ng anak ko na papasok ng Grade 2 ay marunong ng magbasa ng English-Filipino. Mas sayang ang isang taon kung lahat ng anak ko mamadaliin ko na makapag sagot ng worksheet nila na sa totoo lang di naman naintindihan ang mga sinagot dahil pinagaya ko lang dahil di marunong magbasa. Ang importante matuto sila. Gusto kong matutukan ang Grade 2 kong anak sa lahat ng subjects nya tapos yung Grade 1 tigil nalang sya. Gusto ko muna matuto sya magbasa. At yung kinder tuloy lang sya pero priority ko sa kanya ang Youth Development.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Ganun naman tlaga ang nga magulang gagawin ang lahat para s jnyang mga anak na matuto at para magkaruin sila ng maayus na karunungan
Tama. Kaya nagdesisyon ako na tigil muna sa pagmodular class ang isa kong anak. Tutukan ko sya sa pagbasa at yung grade 2 ko tutukan ko sya sa modular class niya. Yung kinder ko naman sa youth development ko sya tututukan.
Ako sis ginawa namn ni wifey khit mhirap at magastos pina onkine nmin sya para sa gnun may matutunan pandin sya sa module kasi mas nahihirpan ako hundi ma paliwang ng maayus sa online nauunawaan niya ng maayos
Kami naman oras talaga ang kulang dahil yung grade 2 ko sya lang naasikaso ko maghapon. Yung dalawa wala akong oras sa kanila.