Para sa mga nanay na walang trabaho, nagbabantay lang ng mga bata, or sa mga nagigipit pa, naranasan niyo bang utangan ng isang taong may trabaho, professional? Ito yung sa side ko naman..Alam ng taong to na wala akong trabaho, nagrerent lang kami ng apartment, may tatlo kaming anak na nag aaral. Nangutang sakin ng 200, yung natira kong 500 sa coinsph na earn ko dito sa noisecash pinautang ko sa kanya ang 200 kasi meron nga diba, di ko pa naman gagamitin. Kinabukasan uutang ulit ng 100, wow! Nainis ako kasi sabi ko wala na dahil 300 nalang ang natira iniipon ko pang emergency fund. Sabi nya wala daw kasing laman ang gcash nya.Sabi ko sa kanya total teacher naman sya, malamang may bank account sya at sumasahod sya mnthly, bakit di niya lagyan ang gcash diba? Sabi ko sa kanya, pasensya na po kasi wala naman talaga akong trabaho kaya dapat lang na di ako nagpapautang. Wow, seen lang wala na siyang reply. Kaya ako tumatanggi na dahil naalala ko dati na bakit bigay ako ng bigay lang samantalang nagtitipid kami. Maling mali ako dun grabe... Puyat ng puyat tapos uutangan ng isang professional na guro🙄pero tinitpid ang sarili.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
naku may ibig sabihin ng teacher na yun malamng gipit sya, alam mo ba sis dun sa schll ng anak ko sa pinapasukan nyan ganyn din , karamihan sa mga teacher naka sanla ang ATM sa mga pautang, hindi din kasi kataasan ang sahod ng guro, kaya dpat tlaga repasuhin ang sahod nila. pero sana nmn mabayran ka sis kasi pinaghirpan mo yun e
Di ko sya sis siningil. Yung 200 kaya binigay ko kasi maliit lang. Pero di ko sa kanya sinabi na bigay ko na yun. Nakakainis lang kasi uulit pa di nahiya nangutang sya sa walang trabaho na naupa pa kami ng bahay. Taga dun yun samin sis sa probinsya di nga alam ng nanay at tatay ko. Mga palagastos ang pamilya nun kaya nainis ako sa kanya.
Kapag nakahiram kasi sis ng una akala ng iba bangko ka na na ndinnauubusan