read.cash Log in
@Gerl more from that month

"Hurting other's Feeling" One of our diseases here in the world. The disease that no one can heal because the human being itself is spreading it. Ang hirap talagang mag English. Pwede naman translate pero Tagalugin ko nalang. Ang mahalaga yung primary Subject ay nasa title ko naman na nakasulat sa salitang Ingles. So ayun nga, hurting other's feeling, maraming pwedeng pagmulan nito. Ang masasabi ko lang ay pag isipan ang mga salitang bibitawan dahil maaaring makasakit ito sa kapwa o maaaring makatulong ito sa kapwa natin. Pero mas mainam kung magsasalita tayo na matutulungan natin ang kapwa tao natin. Hindi yung magsasalita ka dahil gusto mong mapahiya ang isang tao. Kapag namahiya ka, sa tingin mo ba ay natulungan mo siya? Pwede rin, dahil yung pinahiya mo ay pwedeng magbago pero kung may mas mainam na paraan para maituwid ang pagkakamali ay maaari itong idaan sa magandang usapan. Tandaan: Nobody is perfect, pero hindi naman ibig sabihin na porke't may second chance ay palagi tayong gagawa ng pagkakamali. Kung alam natin na nagkamali tayo at may nagpuna , be humble, accept na mali ka. Yung nangpupuna naman, ayusin mo ang pag approach mo, hindi yung akala mo nakabingwit ka ng toxic na isda. Dahan dahan lang po tayo... Uulitin ko, kung nagkamali ka, tanggapin mo at yung magko-correct naman ng pagkakamali , maging mahinahon ka. Hindi kasi tayo pwedeng umasta na paramg higit pa sa lumikha saatin. Hay Diyos ko, peace peace lang tayo 🙂.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.