Grabe talaga sumagot ang anak kong pangalawa simula pa nung day care palang sya hanggang ngayon na Grade 1 na siya. Ngayon naman pinaglalaban nya na ang mga Pilipino daw ay may kulay dilaw din na buhok 😅 syempre ayokong isagot nya yun sa worksheet nya dahil mali talaga. Black talaga ang kulay ng buhok natin. Pero pinaglalaban nya talaga yung dilaw kasi may nakikita nga naman syang kulay dilaw na buhok, yung lola dito na matanda na puti ang buhok na medyo madilaw, siguro nagpakulay ng buhok yan. Ngayon sinisisi nya ako bakit daw turo ko sa kanya mali tapos gagalitan daw sya ng teacher kapag mali ang sagot 🙄.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Haha, may point nga naman siya sis