Maikwento ko lang ang tungkol sa tatlo kong anak na 8,6 at 5 years old. Marinig ko silang nagkkwentuhan kaninang umaga about sa pagliligpit ng kalat sa kwarto. Madalas magligpit ay yung panganay ko na 8 years old kahit hindi ko inuutusan. Pero kaninang umaga nagreklamo siya, sabi nya bakit daw Kasi hindi nalang "kalat mo, ligpit mo" napapagod na daw Kasi say dahil palaging makalat ang dalawa niyang kapatid. Sabi Naman ng 6 years old kong anak, nagliligpit daw siya minsan kapag nagkakalat siya at ang turo daw sa module ang grade 1 ay tumutulong lang sa gawaing bahay kapag kaya. Siri ako natawa sa part na yung bunso ko ang magsalita Kasi pinipilit siya ng 6 years old kong anak na tumulong din Kasi daw ang bunso ang mas makalat. Sabi ng bunso ko, nabasa Niya daw sa module na ang kindergarten ay hindi tumutulong Kasi may mga toys daw kaya dapat naglalaro lang. Aba, umalma ang 6 years old kong anak, paano daw nabasa sa module eh hindi Naman marunong magbasa??? Haha! Natawa ako Kasi lahat ng sinabi Nila nasa module talaga yun sa Homeroom Guidance, ang pinag-uusapan Nila ay tungkol sa Right and Responsibilities ng mga bata. Ang tanong, may mali ba sa turo ko??? Mukhang meron, haha! Kulang siguro ako sa paliwanag sa kanila. Ang mga ganitong bagay nakakatawa, lalo yung usapan Nila pero dapat i-correct natin sila after natin tumawa.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Hahaha nakakatawa nga sis. Parang malalaki na ang nag uusap ay hahaha lahat e may hanash haha