read.cash Log in
@Gerl more from that month

Good morning, kakabangon ko lang tara kape Tayo. Ang aga ko kanina magising pero ngayon lang ako bumangon. Share ko lang tong dahilan kung bakit. Di ko alam kung bakit talagang nakulo ang dugo ko kapag napag uusapan ang about sa pag ingay ng mga anak ko at ang pag sigaw sa kanila nung lalake. Feeling ko Kasi yung asawa ko mas concern sya dun sa naingayan. Naintindihan ko yun, pero bakit kayan hanggang ngayon nakatira pa kami dito. Kaya nya Naman gawan paraan para kakaalis kami dito at dun kami titira sa malaya ang mga bata sa paglalaro at hindi puro saway nalang ang naririnig nila saakin para lang wala silabg maistorbo. Di Kasi nola maeenjoy ang pagkabata. Kung pwede lang lumayas na kami lang ay lalayasan ko talaga. Di lang pwedeng basta bsta lalayas na wala kayong napagkasunduan. Grabe lang yung sama ng loob ko, nasigawan na ng ibang tao pati sya sisigawan Niya Pa. Jusko ko! Hanggang ngayon nakulo pa dugo ko pero bumangon na ako at kailangan kung kumilos tambak ang trabaho. Talagang narinig ko pa yung sinabi nung lalake na wala Naman ginagawa ang nanay di nagbabantay. Sarap apatin ng bunganga. Halos di ako matulog para makagawa ng article sa readcash para dagdag Kita. Paano mag 10 na ng umaga tulog pa sya. Kahit Sana 1 hour bigyan niyang time ang mga bata magsisigaw habang naglalaro sa labas. Nagbabayad Naman kami ng tama at ilang taon na din kanin nakatira dito. Ilang buwan na ngang bakante mga apartment nila ganon pa mga ugali nasobrahan Naman sa higpit. Kami pa taga tanggal ng barado sa Kanal.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.