Every child deserves a parent but not every parent deserves a child. True! Nakakaawa ang mga batang Hindi swerte sa mga magulang. Lalo na yung mga pinagmamalupitan na anak at minomolestya. Ako talaga inaamin ko na nung sobrang maliliit pa sila lalo na yung panganay ko , naranasan kung manakit, pero alam kung hindi talaga ako okay noon. Pero ang laki naman ng pinagbago ko ngayon simula nung mag 1 yr old na ang bunso ko. Minsan nasa sarili talaga yung problema. Kung nanay ka na may iba kang nararamdaman sa sarili mo na nakakaapekto na sa mga anak mo dapat gawan mo na ng paraan para di naman kawawa yung mga bata. Kaya nga panay talaga ang basa ko ng mga article about sa parenhood at parenting kasi malaking tulong talaga sya. Saka sa ngayon nagbago ako ng mga libangan ko. Maliban sa noisecash, nanunuod ako ng mga vlog about "a day in my life" ba yun? Yung sa youtube pero mga nanay na may anak naman. Saka yung mga article sa Google galagang nakakatulong lalo na at iba iba ang parenting styles pala at bawat effect sa bata. Try nyo minsan yan marami kayong matututunan, hindi lang yung sarili nyong style, makakakuha pa kayo ng ibat ibang klase ng parenting.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
May papanakit sa anak na nagiging paraan para sila hubugin basta samahan ng pangaral at ipaliwanag kung bakit sila nasaktan...pero minsan ang magulang napipilitan lang gawin yun kahit masakit sa kalooban..pero sa karanasan ko habang naalala ko ang pamamalo ko sa anak ko nung araw sobrang pinagsisihan ko kung bakit ko nagawa yun...pero pasalamat at pa kunswelo ko sa sarili ko na lumaking matino at mapagmahal na anak ang anak ko. Magandang hapon.