Share ko lang yung pag uusap namin ng may ari ng apartment na inuupahan namin. Kanina parang di na nakatiis yung matanda, lumapit sya sakin kasi nasa may mga halaman ako nakatambay. Nagkwentuhan kami about sa vaccine, pero napunta yung topic sa apo niyang 7 years old. Naospital daw dahil hindi kumakain ng gulay. Baka daw yung mga anak ko kaya pumapayat dahil di nakain ng gulay. Ito, sinabi ko talaga sa kanya na hindi nagkulang sa pagkain ng gulay ang mga anak ko. Kundi kulang sila sa sikat ng araw. Di ko sila pjnapalabas ng hindi ako kasama dahil maingay nga. Tapos yun na, sabi nya uu nga maingay nga sila. Nasigawan nga daw ng anak niya kasi nga natutulog daw yung anak niyang 38 years old na lalake 😅. 3am daw natutulog at 9 am gumigising. Sabi saakin pakidamdaman ko nalang daw kung gising na, kapag gising na palabasin ko na ang anak ko, ayoko nga tanghali na palalabasin ko pa tapos natutulog na sa mga oras na yun ang kapitbahay namin na pang gabi ang schedule sa trabaho. Ang masasabi ko nalang, mahirap talaga mangupahan kasi di ka malaya lalo na ang mga bata...tama siguro yun, kami mismo mag adjust.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Ang hirap ng sitwasyon nyo jan sis. Kawawa mga bata sa totoo lang kaso aun ga e nangungupahan kase. Kasama ata sa rules ang bawal maingay. Tho mga bata yan hnd sila masasaway basta basta ano magagawa natin. Ang hirap sis kase may nagsasabi sakanila na maingay nga ang mga anak mo. So ang lalabas nyan baka pag tulungan pa kayo ng mga kapitbahay.
Haha, atleast honest ka po sa knya, ang lakas nga kumain payat lng tlga ang katawan kasi nasa kalikutan pa sila🤣
Di na din po kase maganda sa balat ang init kapag mga bandang 9 am , sobrang mainit na 🥝