Ang bait ng Teacher sa Grade 1. Di sya pumayag na patigilin ko ang anak ko. Tutulungan niya daw ako kasi kulang talaga ang oras ko. Sabi nya i-consider nya daw kahit sobrang late yung anak ko sa module kasi ang mahalaga daw matuto magbasa at magbilang. Di ko na kasi talaga pinag module yung anak ko, pero natututo na siya magbasa. Puro lang pagpapabasa ang ginawa ko sa kanya kaya di ko siya pinagsagot sa module. Late na kaming pang 2 weeks na modules. Ang mahalaga matuto sa pagbasa at pagbilang talaga. Pupuntahan nya din daw dito mismo sa bahay.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
ganyan talaga dapat ang mga teacher sis. Kase andami kayang magulang ang naiistress ngayon. sa anak ko, once a week lang kami nagpapasa ng assignment nya. iniipon ko na lang para hindi araw araw e nape pressure ung anak kong gumawa ng homeworks.
Sis tiyagain mo na yang anak mo kawawa naman ma lalate sya sa mga kasabayan nya Sayang yung taon Kung mahihinto sya Ng isang taon sa pag aaral