Hindi natupad ang 6 pm kakain 😁 Ngayon palang kami kakain, kararating lang kasi ng asawa ko. Ang hirap mag isip ng ulam kaya eto, bangus na naman basta boneless okay lang ang bangus makakakain ng maayos ang mga anak ko kahit di ko sila subuan. Kumusta po ang maghapon? Ako hindi ko alam hahaha! Kapag tutok sa mga bata wala po akong ibang nagagawa. Eto, ang gulo ng bahay, di nakalaba, pero nakakain sa tamang oras, busog ang mga bata at di sila madungis. Ganito ang buhay mahirap 😅. Talagang kayod kalabaw kung gustong mabuhay😅
3 comments
Bangus na nga lang uli mabili bukas...natatakam na naman ako sa daing na bangus. Enjoy.
Ang sarap ng ulam nyo madam, ako ndi nagboneless bihira kasi tinda dito ng boneless
Sarap Ng bangus !..nakaka miss!