read.cash Log in
@Gerl

Share ko Lang tong experience namin sa taga hatid-sundo Ng mga anak ko . Last Tuesday, medyo masama ang pakiramdam ko kaya Hindi ako naka-attend ng meeting SA school. Pero nag-message ako sa nagse-service SA mga anak ko na sunduin Yung anak ko same time padin kahit kahit may meeting Kasi Di Naman ako a-attend. Syempre ako Naman naisip ko na susunduin niya SA tamang oras dahil ganon Naman ang ginagawa nya kahit pa Yan na Di niya agad nababasa ang message ko dahil minsan wala syang phone na dala. Pero ako laging nagchi-check ng message ni teacher SA GC namin lalo na kapag uwian na Ng mga bata Kasi araw araw Yan si teacher Di nakakauwi agad dahil may mga batang Hindi agad nasusundo Ng mga parents at binabantayan nya Yun hangga't walang sundo. Aba, 5:40 na nag message si teacher na ang anak ko nalang ang Di pa nasusundo. Nagulat ako dahil may service na mga Di pa din nakuha SA tamang oras. Nung time na Yun hinayaan Kong umabot Ng ganon na oras Kasi naisip ko na Baka nagmi-meeting pa Kaya Hindi naihatid SA gate ng teacher. Pero Dali Dali talaga akong lumabas na Ng bahay at pupunta na Sana Kong school pero nakita Kong dumaan Yung taga sundo Ng mga anak ko at sinundan ko na SA pilahan. Ayon, gulat Sya? Kasi pinuntahan ko Siya saka nya naalala na Hindi nya nasundo ang bata. Mabuti nalang lagi akong nagbabasa Ng mga message SA GC namin. Yung araw Lang na Yun nag expect ako na Kaya Di pa nasundo dahil may meeting sila teacher. Hindi ko alam Kung maniniwala ako na nakalimot na magsundo eh araw araw Naman niya ginagawa Yun. Hatid sundo umaga tanghali at hapon. Ewan KO Kung kailangan palitan lalo na at mahilig mag ML at Tiktok...

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.