Kagabi lang parang ang gaan ng pakiramdam ko kasi natapos namin ang week 3 modules ng Grade 2 kong student. Pero ngayon, tanghali na parang wala akong ganang kumilos. Lalo na kapag nakikita ko ang labahin ko na naman na gabundok na. Mga hugasin na pinggan, wala pang naluluto na pagkain. Tapos late na modules ng anak kong Grade 1 at Kinder. Parang ang unfair nang panahon na to. Wala naman pwedeng sisihin lalo na at pareparehas tayong nasa Pandemic na sitwasyon. Pero ang solusyon ko dyan, eto nagbabasa ako ng mga article sa Google, mga articles about saental health, physical health. Medyo nakakagaan kasi ng pakiramdam.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
mental health, very important yan, sis