Kagigising ko lang, nagkakape palang ako ngayon. Hindi ko kinaya ang sakit ng ulo ko kagabi kaya uminom na ako ng medicine. Ang bilis ko lang na nakatulog dahil sa medicine, parang patay matulog. Pero pag gising ko ngayon masakit ang buong katawan ko. Pero mas nag aalala ako sa module ng Grade 1 ko at Homeroom Guidance ng Kindergarten ko kasi di ko talaga kayang ipatapos sa kanila. Kailangan ng ipasa bukas. Siguro ngayon talagang kailangan kong tanggapin ma di namain kayang tapusin. Isang linggo din kasing di ko nalinis ang bahay...Parang gisyo ko ng humingi ng mga suggestions ng time schedule talaga😄 baka meron kayong suggestions. Ilang beses ko na binago bago ang time management ko pero bakit parang di successful palagi. Naiisip ko tuloy na baka sadyang sobra sobra talaga ang gawin ko sa loob ng dalawang linggo.. Laba Luto Linis Modular Class/Online Class ng tatlong bata ( Grade 2,Grade 1 at Kindergarten) Self??
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Hinay hinay lang sis. Baka madadaan sa pakiusapan ung teacher ng mga anak mo.