Isa sa mga balakid sa Modular class ng anak ko ay ang maingay na kapaligiran, yan ay kapag gising ang dalawa niyang kapatid. Para maiwasan ang pag init ng ulo ko, minamabuti ko na lamang na itigil muna ang modular class para naman may oras din para sa dalawang bata. Saka hindi matututo ang bata kapag maingay ang paligid at sasabayan pa ng init ng ulo ko. Sa ngayon, dahil gising silang lahat, kami ay nasa kwarto lamang. Habang sila ay nagddrawing drawing at gupit gupit ako naman at taga ligpit.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Ang hirap talaga icontrol kasi hindi naman pwedeng isacrifice ang playtime nung ibang bata.
Tama ka dyan madam, distracted ang bata kapag may ingay na naririnig