read.cash Log in
@Gerl more from that month

Alam mo yung pakiramdam ng simula umaga hanggang gabi salita ka ng salita, saway ng saway, minsan sisigaw? Tapos simula din umaga hanggang gabi di mo man lang nailapat ang likod mo sa higaan? Tapos ang masaklap pa, yung mga batang kasabayan mo na halos wala din pahinga maghapon akala mo ay pagod? Pero bakit gabi na para silang wala talagang kapaguran. Modular class palang parang nakakastress yun ah, pero ngayon sobrang energetic pa sila. Pinipilit ko na ngang matulog wala talaga...ayan ang lilikot pa nila samantalang ako iba iba na ang nararamdaman ko. Gusto ko na silang patulugin kasi ayoko ng makarinig kahit anong tunog. Kailangan ko ng pahinga...

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.