Lahat talaga nagbabago except sa "Pagbabago". Parang ganito yun, ito yung matinding halimbawa sa kasabihan na yan, Kung sagana ka ngayon dapat maging praktikal ka. Samantalahin mo ang pagkakataon sa positibong pamamaraan. Tungkol sa pera, sapat na pagtitipid, mag ipon ka, unahin mo syempre ang pangangailangan ng pamilya mo lalo na kung nagtitipid kayo. Huwag din madamot kung kayang kaya mo mamahagi. Kasi kapag may inimbak, mayadudukot diba. Iniisip ko nalang yung iba na isang kahig isang tuka, maaaring mangyari samin yan na di namin inaasahan. Kaya hanggat maaari maging praktikal tayong lahat, yung sa positibong pamamaraan.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet