Ang sama ng gising ko, lalong sumakit ang ulo at likod ko. Deretso luto na ko ngayon para makakain sila ng maaga. Walang modular classes. Bakit nga ba nagpapakahirap, kaya nga magiging July ang tapos ng school year dahi hihintayin yung ibang magulang na di pa tapos. Pwede naman pala yun hindi nila sinabi samantalang kami inaabot ng gabi para tapusin lang ang module. Diba po? Dapat sana kung ano lang yung kaya ng magulang kasi may mga gawaing bahay din na ginagawa lalo na yung lampas isa ang estudyante tapos kinder at grade pa hehe. Hindi kasi pwedeng iwanan sila kapag nagmomodule.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet