Good morning!!! Absent ako Ng 2 days, as usual, cleaning time. Medyo nakakapraning din itong mga nakaraang araw. Lumalaki na talaga ang mga anak ko. Sino ditong may anak na lalake age 7-10 years old? Paano kayo magsaway kapag nag aaway sila? Nahihirapan ako magsaway SA dalawa Kong anak na 7 at 9 years old. Hindi Naman sila nagsasakitan pisikal Kaya lang SA salita Naman. Yung 7 years old ang Arte. Ayaw syang tinitingnan na Di nya gusto ang way Kung paano tumingin. Paano Kung…
@Gerl in August 2022
San Ka makakabili ng ganito, 20 pcs for 20 pesos din Lang??? Shopee yarn!!! Tapos ang fund ko pa ay galing SA shopee Ang PAO 🥰. Huwag Lang aabusuhin ang paggamit Kay Shopee para Di ma-banned ang account. Andaming naba-banned.
Meryenda ko, ala una palang Pala 😅 tapos Yung pang meryenda ko pang almusal. Wala kasing stock na pagkain Kaya kanin at ulam ang meryenda. Ganito Sana ang gusto ko SA mga anak ko ang meryenda SA school at kanin, kaso paano??? Hehe..
Okay din ang palitan Ng US dollar to Peso ngayon ano. Pero mas mataas nung nakaraan. Si Bitcoin Cash may improvement kahit konti, Yun nga Lang, Di ako nai-excite😅 Wala na talaga akong bitcoin cash, nag stay nalang ako Kay Shopee, benta Ng coins kahit maliit nakakabili paunti unti Ng mga school supplies...
Nakakapagod Yung buong maghapon ko, grabe!! Pero huwag daw magcomplain. Syempre kasama to sa klase Ng buhay na pinili ko Kaya Kung anong buhay ko ngayon enjoyin nalang talaga 🙂. Ang mahalaga, Di Tayo nagsasayang Ng oras natin dito SA mundo. Alam Kong may kapalit Naman itong pagod ko ngayong araw...para SA mga anak..kailangan magpagod. Sayang Ng oras Kung hilata diba. Pero Di mo maiisip humilata kapag may anak kang binubuhay.
Naku po mga anak Kong lalake, Ayan nagdownload sa phone ko Ng app game. Babae na Naman haha, Yan Pala Yung naririnig ko kagabi na iyak Ng iyak. Pinapaiyak nila, mga pasaway🤣. Bat nag eenjoy sila sa paglalaro nyan pinapaiyak Lang Naman nila.
Kumusta Naman Yung mga bumili at bibili palang Ng mga school supplies??? Ako naiistress🤣 Grade 1 palang andami Ng kelangan. 10 notebooks?? Grabe....tatlo ang estudyante ko. First time nilang lahat SA face to face class Kaya bago lahat, bili lahat. Nakakabutas Ng bulsa🤣 pero dahil ayaw natin mahirapan ang mga estudyante natin Kaya pipilitin kompletuhin talaga ang mga gamit nila. Sisipagin talaga sila SA pag aaral, Sana......
Na-miss ko magpost Ng pagkain 😍. Chicken adobo to na may pineapple at patatas. Ganito talaga ang gusto Kong adobo SA Manok. Tanggal din ang lansa Ng Manok, at napakalambot Ng Manok. Laging lulutuin talaga Ng mga nanay Yung gusto Ng mga anak.
Good night noisers! Di na pwedeng magpuyat dahil nakaramdam na ako nung isang Gabi na umiikot ang paningin at parang babaliktad bituka ko SA Hilo talaga. Biglaan Lang, wala man Lang sign. Kaya natakot na ako sa puyat talaga. Kulang pa pampagamot Yung kinikita SA pinagpuyatan, hehe
Ready na sila...mararanasan ko na Yung totoo na nanay na may estudyante at mararanasan na din nila ang tunay na estudyante... Ang isa Dyan Hindi excited, pero nung nakompleto ang gamit nya biglang gusto Ng pumasok SA school😁 Ang cute!!!
Thank you Google! First and last na babati saakin ngayong birthday ko😍😍😍. Kung Di pa nag notify Hindi ko maaalala na birthday ko Pala ngayon, tsk!
Ang lakas Ng ulan, kidlat at kulog. Ingat sa lahat lalo na Yung mga NASA labas pa Ng bahay. Dami pa Naman tinamaan Ng kidlat nitong mga nakaraang araw diba, grabe na talaga, ano Ng nangyayari saatin. 2022, parang ang lala!
Magandang umaga!!! Payday sale ngayon SA Shopee. Pero Di ko parin makompleto ang notebook Ng mga bata. Limited Yung mga notebook na may yarn at plastic cover na may red and blue lines at kompleto ang kulay. Hehe! Karamihan may yarn Pero walang plastic cover. Yung iba Naman may plastic cover Pero walang yarn at all blue lines. Tyagaan ang paghanap Kung online bibili.
Kumusta po ang face to face class niyo or Ng mga anak niyo? Half day din lang BA? Yung mga anak ko Kasi half day Kaya Lang IBA iba ang time schedule. Lalong nagpahirap saamin dahil may modular class padin. Mukhang pati 2-3 hours Kong tulog SA Gabi aagawin pa 🤣. Hindi Kasi pwedeng lakarin Lang Yung pabalik balik SA school, kailangan sakay talaga. Feeling positive Lang ako nung mga nkaraan eh, pero ngayong nalaman KO ang mga schedule nila, nakakapanghina Pala haha!
Good morning!!! Ganito minsan mangsuhol ang anak ko. Isend ko daw Yan SA Papa nya SA messenger para pagdating mamaya galing SA work ay may dalang Oreo. Diba, kahit Di Ka Naman bibili mapapabili nalang haha!
Dahil optional nalang ang uniform...tuwang tuwa Yung mahilig SA OOTD. Pero dito saamin mahigpit padin. Ayan mismo, white t-shirt at pants kung walang uniform. Mas okay din Naman talaga na naka-uniform Kasi malinis tingnan at feel na feel nila na nag aaral sila. Higit SA lahat, mas tipid SA part namin 😊
Good morning! Nagccount down na kami para sa face to face class. Bawal talagang makipagpalitan Ng schedule Kasi mapupunta sa ibang teacher ang ibang bata tapos Di mababalanse ang bilang. Stressful sobra pero mas matimbang syempre Yung kapakanan Ng bata..Good luck SA lahat!!! Sya nga Pala, okay Yung paghati hati Kasi 15 student per classroom Lang. Yung mga Lang, face to face class at modular class kami.
Inyo na hehe, may sakit ako tapos ganito ang pagkain. Wala Naman akong ganang kumain eh. Good afternoon!!! Monday start na Ng klase ulit. Modular class kami Ng 3 days at face to face 2 days. Salamat sa mga mahihirap na sitwasyon at lalong nagpahirap saamin ngayon. Sana Lang bumalik na SA normal ang lahat. Pinalala itong ngayon hay naku!
Face to face class na pero Di ko pa naihanda ang mga gamit Ng mga anak ko. May sakit padin Kasi ako, ang hirap Ng walang kamag anak na kapitbahay. Maghahatid sundo pa Naman ako SA mga aank ko may pang umaga at may pang hapon na schedule. Imagine, 6:30 am to 12 nn at 12 nn to 6pm, Yan ang schedule nila. Mukhang first day of school absent lahat Ng anak ko kapag Di pa ko gumaling. Nagresign na SA trabaho ang asawa ko Kaya Lang Di pa approve Kaya paapsok padin Sya.
First day of school!!!! Mabuti nalang Monday to Wednesday ay modular class muna ang mga bata, Thursday and Friday ang face to face class.ay mga sipon pa kami, e bawal pumasok SA school kapag may sipon at ubo. Mahigpit padin dito saamin. Ingatan din Pala natin ang ating mga estudyante para iwas sa mga nangunguha Ng bata matanda. Naglipana ngayon ang masasamang loob. Yung iba nakaligtas SA COVID pero Di nakaligtas SA krimen.
2nd day of school, suspended lahat. Nakiki-eksena na naman ang bagyo. Ano bang nangyayari sa atin? Halos araw araw may pinapatay at may kinikidnap. Hindi Lang natural disasters kalaban natin ngayon, mas dumami ang mga kriminal, pansin NYO ba? Kahapon Lang first day of school may mga nawalang bata agad, jusko! Katakot na talaga ngayon lumabas kahit araw man o Gabi. Mag ingat tayong lahat!
Grabe kakaawa ang mga estudyante Pala. Naghatid ako kanina SA dalawa Kong anak 12nn, first day SA school. Ang init, tapos hanggang gate Lang dapat ihahatid. Nakita ko Yung anak ko Palakad lakad SA loob Di alam Kung saang classroom pupunta. Maya Maya nagsend Ng picture Yung teacher, Ayan nakaupo na🤣 jusko ano kayang kwento nito mamaya saakin...
Good morning! Fully recovered na ko from headache na almost 4 weeks kong tiniis habang naghahatid sundo SA mga bata. Nakakadala na Kaya iwas caffeinated beverages muna ako at iwas sa puyat. Limited na din sa paggamit Ng phone, ginagawa ko to dahil kailangan ko Ng extra ingat pa SA kalusugan para SA mga bata. Nastress din ako nung may sakit ako kakaisip Kung panu kapag Di na ko nakabangon, panu ang mga maliliit na batang nag uumpisa palang mag Aral. Ingat tayong lahat,…
Habang nag aalmusal ako ay nagmo-modular class na kami. Masyadong maaga silang nagising, nasanay agad na may pasok sila sa school. Share ko Lang Pala Yung unang linggo nila SA school, positive Naman lahat. Yung dalawang anak Kong tamad mag Aral, excited sila lagi SA face to face class. Mas gusto daw nila SA face to face class Kasi madaming nakikita at ginagawa. At mas mabait daw si teacher kesa Kay mama 🤣