Anong gagawin mo pag bumalik siya? Sino nga ba ang dapat mong piliin, yung noon na gusto mong balika o yung ngayon na ayaw mong saktan. Nakakalito diba, nakakalito naman talaga lalo na kung naglalaban ang puso't isipan mo, yung isip mo na nagsasabi "wag kanang bumalik sa nakaraan". Wag mo ng dugtungan pa ang kabanatang pinili niyang wakasan. Na wag mo ng bigyan ng chance, chance na saktan ka ulit sa pangalawang pagkakataon dahil kung nagawa niya yung una, hinde imposible na magawa niya ulit ngayon. Yung gusto mong pakinggan ang isip mo na nagsasabing. Bigyan mo nalang ng halaga yung taong binibigyan ka ng importansya, yung taong nagpaparamdam sayo kung gaano ka kahalaga. Yung taong dahilan kung bakit ka nakabangon sa pagkakadapa mo sa kahapon at nagpapasaya sayo ngayon. Pero kung ang puso mo ay hinde parin makaahon at siya pa rin ang tinitibok na kahit dayain mo, ikaw lang din ang mahihirapan at kahit paniwalain mo ang sarili mo na masaya ka sa pangkasalukuyan pero ang totoo nasasaktan ka parin at siya ang dahilan. At sa bawat pagtanggi ng isip mo na hindi mo siya mahal ay nadudurog ang puso mo at sa bawat sakit na nararamdaman mo hinde mo namamalayan na may isang taong nasasaktan din na nakikitang nahihirapan ka. Minsan kailangan mo ring maging makasarili na kung ano man yung sakit na nararamdaman mo dahil sa taong mahal mo ay wag mong hayaang maramdaman din ng tao nagmamahal sayo ngayon. Kung sa tingin mo na hinde kapa nakakawala sa nakaraan mo, at siya pa rin ang gusto mo palayain mo yung taong umaasang mamahalin mo rin pabalik. Lalo naman kung wala naman siyang ibang hiling kundi ang makita kang masaya. Maging patas ka sa kanya. Palayain mo siya para mahanap niya rin ang tamang tao para sa kanya, wag mong isiping sayang siya, wag mo ring isiping masasaktan mo siya. Dahil ang tunay na pagmamahal, mapagpalaya. Kung totoong mahal ka niya maiintindihan ka niya na kahit napapasaya ka pa niya ngayon. Hinde pa din niya mapapalitan yung taong dahilan kung bakit ka nagmamahal at kaysa patuloy mong dayain ang sarili mo. Bigyan mo nalang ulit ng puwang sa puso mo ang nakaraan mo, everyone deserve a second chance malay mo sa pangalawang pagkakataong ibibigay mo doon siya magbago, dahil na realize niya na ayaw niyang mawala ka sa buhay. Pero kung talagang naguguluhan ka sa nararamdaman mo. Mas magandang piliin mo na lang muna ang sarili mo, sa pagitan ng nakaraan at pangkasalukuyan mo. Kasi hinde mo naman kailangan ng someone para maging masaya. Dahil ang tunay na kaligayahan pinili hindi pinipilit. Kaya hindi mo kailangan piliin yung taong minahal mo noon o yung taong nagpapasaya sayo ngayon. Dahil mas masarap sa pakiramdam yung matutunan mo na mahalin ang sarili mo, bago mo magawang magmahal ng ibang tao. ~genie~
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Dili nko malikan ang noon.. di man siya mawala ug love jud ko niya.. baga ra kaau siya dagway ug mubalik siya.. haha
Kabuang nino baby calyxx 🤣. Pag tinarong daw be haha
Ang haba naman hehehe
Ang haba ng hugot mo genie diko tinapos magbasa haha parang Damang Dama mo bawat linya pinagdaanan kaba haha