read.cash Log in
@Genieljay more from that month

Bakit nga ba nakakapag overthink yung partner mo? Hinde dahil sa nag-iinarte siya or sinasaktan niya sarili niya. Hinde niya naman kasi ginusto na mag overthink, may mga tao na gusto din talaga nila maging masaya. Pero bigla-bigla silang aatakihin ng mga what if's nila, at hinde mo sila masisisi kasi yung iba na trauma talaga sa past nila. Kung minsan napapansin niyo bigla-bigla silang mag oopen sainyo tapos hinde na matutuloy, minsan yan din yung nagiging dahilan ng mga kinakainisan ng mga partner nila. Sasabihin ng mga partner nila "Sabi-sabi ka dyan tapos hinde mo itutuloy?" Wag ninyo erereject pag nag open sa inyo yung partner niyo tapos hinde niya itutuloy. Kasi yan yung oras na nakakaramdam siya ng lungkot. Alam niyo ba kung bakit hinde na nila tinuloy? Kasi natatakot sila na baka pag sinabi nila yung tumatakbo sa isip nila magalit lang yung partner nila imbis na i comfort sila. ~genie~

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.