Tapos ka nang magpasaya ng iba. Pwede bang sarili mo naman muna? Ginagawa mo kasi lahat para makatulong sa kanila. Salamat sa puso mo hah. Nagbibigay ka ng oras, nagbubuhos ka ng lakas. Palagi kang handang makinig, kwentuhang magdamag pa. Sinusubukang magpatawa para gumaan ang pakiramdam nila. Minsan tuloy, nakakalimutan mo nang may sarili kang problema. Na matagal ka nang naghahanap ng saya. Bigyan mo rin ng oras ang sarili mo dahil hindi makakatulong ng lubos ang isang sugatang sundalo. Ikaw naman ang humanap ng makakakwentuhan mo. Ikaw naman ang magbubis ng luha mula sa mga mata mo. Dalangin ko na Diyos ang yumakap sa'yo, na pawiin niya ang bigat na dinadala mo. Balang araw tatawa nalang tayo at ngingito ng totoo. 😊 Good afternoon.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Nice said noisemate! Salamat sa paalala..
😊. Walang anuman ka noise