Husga. Limang letra, pero masakit sa tenga lalo na kung yung mga kumakalat na balita ay hindi naman tama. Husga, panghuhusgang mga bala ay dila, matatalim na pananalita na hindi naman tumutugma hindi naman tumatama, hindi porket mag jowa mabubuntis na ng maaga, hindi porket palaging nasa galaan wala ng kinabukasan, hindi porket maikli manamit pwede mo ng sabihin ang mga panlalait na pokpok, hindi porket pula ang mga labi sasabihan niyo na mg bayarang babae, hindi porket nalulong sa bisyo ay pwede mo ng tawaging masamang tao. Husga o panghuhusga na hindi niyo manlang inisip kung makakasakit ba kayo kasi okay na sa inyu na may maibalita kayo na kahit hindi naman totoo, makapanira lang ng tao masakit isipin na maraming ganito. Ayaw makitang may unaagat na tao, hindi porket ganoon ang nakaraan ko ay hindi na ako pweding magbago wala kang karapatang humusga kasi lahat naman ng tao may itinatagong baho, sa lahat ng naririto nakakabasa magtaas ng kamay ang matino ang walang kasalanan ang matuwid. Wag mong isipin ang sasabihin ng iba, Diyos lang ang may karapatang humusga kasi wala akong paki sa nakaraan ko, kasi hinubog ako ng panget kong nakaraan. Kung sino man ako ngayon naglakad ako sa dilim paro pinipilit kong hanapin ang liwanag, nadapa man ako pero pinilit kung tumayo. Walang ako na matapang kung hindi ako nagkamali, kaya kung huhusgahan moko wala akong pake alam kasi kilala mo lang ako sa pangalan pero hindi ang aking mga pinagdaanan, lalong lalo na hindi ang buong pagkatao ko, hindi kami masamang tao. Oo pwedeng mong husgahan ang aking nakaraan, pero wala akong magagawa kundi patunayan na mali ang mga panghuhusgang binabato ng lipunan. ~genie~
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Hinihingal ako magbasa genie boy haha walang mapaghusga na Tao Kung hindi nagpapakita ng motibo dahil ngaun maraming ng nakaabang na tsismosa kahit di alam na ang tunay na kwento hyaan mo nlng sila mabulag sa kasinungalingan na Alam mo sa sarili mo ang katotohanan.