Uhaw kana ba sa pag-ibig? Pwes kumain ka ng SINGKAMAS, dahil sa bawat nguya mo nito'y makatas. TALONG, huwag husgahan dahil sa colon cancer ito'y panlaban, hinde tulad mo na hinde lumalaban kaya iniwan nalang ng basta-basta na walang kaalam alam. SIGARILYAS, pampatibay ng buto, di tulad ng relasyon niyong walang ka tibay-tibay kaya nasira dahil walang umalalay. MANI, madalas kasama sa inuman paborito ng sambayanan. Mabuti pa ang mani no madalas kasama eh kayo walang ka dalas-dalas. SITAW, sa lahat ng putahe siya ay kasama dahil nakikita ang kanyang mabuting dulot hinde tulad niya na bulag sa iyong halaga at tuluyan ka nang nilimot. UPO, tulad ng kaklase mong sipsip sa eskwelahan sumisipsip din ito ng cholesterol sa ating katawan hinde tulad niya na hinde man lang inalam ang iyong halaga sumipsip pa sa iba. KALABASA, ipakain mo sa taong iyong pinapangarap upang ang kanyang mata ay luminaw at makita ang iyong tunay na halaga. MUSTASA, kung titingnan mo ay parang lantutay ngunit huwag husgahan dahil dulot nito ay iron huwag mong igaya sa ex mo na hinusgahan mo na iniwan mo pa. SIBUYAS, alam niyo ba kung ano ang sinabi ni sibuyas? "Matapos mo akong saktan iiyak ka, tapos ano? Igigisa mo ako para lang sumarap ang luto mo oo masarap ako pampabango at pampasarap lang at wala nang hihigit pa sa relasyon nating dalawa". BAWANG, mayaman sa protein sila ni sibuyas ay always together, pero bakit wala pa rin forever. APPLE, sabi mo si crush kumain ng apple tapos sa iba na fall kumain kana rin ng apple oo ikaw na di maka move on habol ng habol. ~genie~
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Tumpak na tumpak Yan.Ang laki Ng utak mo ghenie tugma lahat Yan Ng sinabi mo..Ang sarap basahin haha
Sa iyo na talaga ang korona ng pagiging hugotero/emotero, ang dami mong alam...
Wahaha. Saway nakapansin ka din pala haha
🤣🤣🤣 dapat kain ka din ng kalabasa para luminaw ang yung mata at ng mahanap mo yung babaeng gagawing mong inspiration sa bawat hugot mo ..