read.cash Log in
@Genieljay more from that month

Kabataan. Tunay ngang kabataan ang pag-asa ng bayan, dahil ngayong hindi ninyo kami pinakikinggan ramdam kung wala nang pag-asa ang sambayanan, ngunit sinasabi namin sa inyong hindi kami paalipin sa inyong mga kamay. Yaring himagsikan ang sisiklab sa silangan at kami ang inyong kaaway. Kung ang aming mga magulang ay nabusalan ang bibig gamit ang limang daan ay ibahin ninyo kami. Pupunitin sa harap ninyo ang papel ng pandaraya at isisigaw sa bayan kung bulag ang paniniwala. Katulad ng pagpunit ng mga katipunero sa kanilang mga sedula, mag-aaklas kaming tahimik at uusigin ang inyung mga kagaya. Tandaan ninyong ngayong susunod na botohan, bababa kayong mga nasa pwesto at mananalo ang aking bayan. Hindi kayo ang pag-asa kundi kami. ✌️😠 ~genie~

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.