read.cash Log in
@Genieljay more from that month

Tropa. Kapag pumunta ako sa bahay niyo, di mo kailangan mag explain kung bakit wala kayong ganto, wala kayong ganyan. Kung walang foods okay lang may tindahan naman sa labas bibili nalang tayo, kung magulo at makalat tutulongan kita maglinis. Walang wifi, pakialam ko hindi yun yung pinunta ko dito para maki connect sa wifi, may t.v naman manunuod nalang tayo, walang upuan o lamesa ano kaba sana'y naman ako umupo sa sahig. Nakakainis lang bakit may ganyang taong nahihiya dahil sa istado ng buhay nila. Kaibigan mo ko, tropa mo ko, at tanggap ko lahat ng bagay tungkol sayo at wala akong karapatan husgahan kung ano ang buhay mo. ~genie~

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.