read.cash Log in
@Genieljay more from that month

The Hollow Earth. Ang hollow Earth theory ay unang iminungkahi ni Edmund Halley isang astronomer at discoverer ng Halley's comet. Para mabigyan-linaw ang mga paiba-ibang iregularidad sa mga readings ng compass na ginagamit ng mga manlalayag ng karagatan. Tinalakay ni Ted Schultz ang ebolusyon nito. Noong taong 1818, Ang U.S Infantry Captain na si John Cleves Symmes, isang bayani ng giyera ng 1812, inanunsyo niya ang kanyang revolutionary theory na ang earth ay isang hollow shell na naglalaman ng mga apat ns karagdagang concentric spheres, lahat ay mararating sa pamamagitan ng polar openings na libu-libo ang milya sa magkabilang ibayo. Nagpanukala si Symmes na pangunahan ang expedition sa binansag na, "warm and rich land, stock with thrifty vegetables and animals" na nakahimlay sa ibayo ng nagyeyelong rehiyon ng North, sa interiyor ng daigdig. Noong 1828, sa panghihimok ng isa sa mga tagasunod ni Symme na si Jeremiah Reynolds, ang Kongreso o Batasang-bansa ay inaprubahan ang naturang plano. Ang mga Kalihim ng Hukbong-pandagat at Pananalapi ay naglaan ng tatlong sasakyang pandagat para sa gagawing pakikipagsapalaran, subalit ang bagong halal na si President Andrew Jackson ay nagbigay-wakas sa proyekto. Kung ang ideya ni Symme ay nabigo na ma-inspire ang seryosong siyentipikong imbestigasyon, na-inspired naman nito ang paggawa ng fiction, kabilang ang "Narrative of Arthur Gordon Pym and Manuscript found in a Bottle" ni Edgar Allan Poe. Samantala, sa taong 1869 isang nagngangalang Cyrus Teed ang nagkaroonn ng rebelasyon. Ang Earth ay isang hollow subalit naninirahan tayo sa loob nito. Si Teed ay bumuo ng relihiyon tungkol sa kanyang teorya ay naglakbay palibot ng bansa at naghanap ng mga tagasunod at noong 1894 itinatag niya ang Koreshan colony sa Estero, Florida. Namatay si Teed noong 1908, pero ang Koreshan colony ay nagpatuloy. Ang variation ng ideya ni Teed, nakilala bilang "Hoblweltebre" o Hollow Earth Doctrine, ay malawak na ginagap sa Nazi Germany. Noong 1906, ang kontribusyon ni William Reed sa hollow-earth theory ay lumitaw, "The Phantom of the Poles." Ibinahagi ni Reed ang naunang ideya ni Symme na concentric spheres, sa halip isinasalarawan na single hollow globe na may polar openings at ang di-tuklas na mundo ng mga kontinente at mga dagat. Ipinaliwanag niya na ang aurora borealis (a color glow visible at night in high latitudes that occurs in Northern hemisphere, also called northern lights), ay walang iba kundi repleksyon ng mga forest fire at mga volcano sa interiyor ng earth. Sa taong 1913, si Marshal Gardner ay inilimbag niya ang "A Journey to the Earth's Interior" or "Have the Poles Really Been Discovered", na sinundan noong 1920 ng pinalaking edition. Habang si Reed ay iminungkahi na ang panloob ng daigdig ay lumiliwanag dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa pamamagitan ng polar openings, si Gardner ay naniniwalang nagtataglay ito ng sariling maliit na modelo ng araw, ang liwanag dahilan ng aurora. Ipinagpalagay niya na ang mga eskimo ay bumaba mula sa lahi ng inner-earth at ang mga mammoth na natagpuang nagyeyelo sa arctic ice ay nagmula roon. Noong 1964 si Raymond Bernards ang nagtitulo ng, "The Hollow Earth: The Greatest Geological Discovery in History." Pinalawak ni Bernard ang teorya nina Reed at Gardner. Isinali rin niya ang mga flying saucers. Ayon kay Bernard, ang mga taong naninirahan sa gitna ng daigdig ay mga survivor ng nuclear war sa pagitan ng mga nananahanan ng Atlantis at Mu (a former island in the Pacific). Ang kanilang relokasyon sa sentro ng daigdig ay kinakailangan para matakasan ang epekto ng radiation dulot ng giyera. Ang mga UFO na nakikita natin ay mga Atlantean spaceships na ipinapadala sa sentro ng daigdig para mapanatili ang ugnayan sa ating mga naninirahan sa ibabaw. ~reference notebook

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.