Selos. Madalas na dahilan ng paghihiwalayan. Dalawang dati ay nagmamahalan. Nakakalimutan ang kanilang pinagsasamahan, parang tayo inaamin kong mas madalas na nagseselos ako pero nagseselos lang ako hinde ako tanga. Sa tuwing makikita kitang may kasamang iba lagi mong sinasabi na kaibigan mo lang siya. Inuulit ko, magseselos ako pero hinde ako tanga. Kaibigan pero naging dahilan, dahilan kung bakit moko iniwan. Kaibigan, pero sa harap ko mismo nag lalandian. Maniniwala sana ako, kaso mas matamis pa sa asukal ang mga kilos niyo kaibigan? Iba yata ang kahulugan para sayo ang salitang yan. Humingi ka ng tawad at ng isa pang pagkakataon pinagbigyan kita dahil nangako kang hinde mo na uulitin yun pero nagkamali ako sisirain mo lang din pala ang pangako mo, marami nagtatanong sa akin kung bakit sa likod ng mga sakit na idinulot mo hindi pa rin kita magawang iwan, hinde ko rin alam, hindi ko rin alam kung bakit may namumuo sa aking katangahan matagal na dapat kitang iniwan, pero hindi ko ginawa dahil mas nangibabaw ang pagmamahal. Wag mo sana ako bigyan ng dahilan, para tuloyan kitang bitawan. Ayos lang, lagi kong sinasabi na ayos lang kahit sa loob ko ang sakit sakit na. Ang sakit sakit makita kang masaya sa iba habang ako, habang ako palihim na lumuluha dahil sa kagagawan mo, ayos lang nagseselos lang naman kasi ako. 😭. ~genie~
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Wala sa vocabulary ko ang salitang Selos bby bakit kaya..manhid naba ak
Hahhaa ganun baby
Aaminin ko selosa ako kahit hindi naman dapat ..pero anung magagawa namin eh insecure kami kasi dapat kami lang diba😅✌️