Part 5. 3rd year na ako. Itong mga panahon na ito ang daming nangyari sa buhay ko na kababalaghan 🤣. Noong 3rd na ako iba na ang lahat ng mga teacher namin kasi pinalitan ng dep-ed at sempre pagbukas ng school walang katapusan introduce your self (hmm hi classmates i,m geniel, naniwala sa kasabiha'ng di baling tamad hindi naman pagod 🤣) hindi joke lang 🤣. FAST FORWARD, lumipas ang mga ilan araw, weeks, buwan, unti unti na namin nagkakilala bawat ka klasi, alam niyo kasi may mga bagong classmates na mga magaganda (wow). Kami naman walang ibang ginagawa kung di magpapansin sa mga bagong classmates namin. Lumipas ang mga i.ilang buwan doon na lumapas ang kalbaryo namin kasi BERMONTHS yun hmm winter season dahil nga madalas na umuulan wala kaming magawa sa loob ng classroom, gumawa kami ng himala, alam niyo yung sugal sa pera? Yung mga numbers ay huhulaan namin at kapag malaki samin panalo na kami, kunwari yung numbers sa bente iraramble tapos hulaan namin ng 1st, 2nd, 3rd, 4rt at 5th kapag malaki ang sayo ikaw na panalo, ayun nagsusugal na kami sa loob habang bumubuhos ang malakas na ulan at sa di inaasahan may dumating na tao at nahuli kami, yung tao na yun ay isa sa mga parents ng ka klasi namin at nireport niya sa adviser kaya pagkabukas noon pinatawag kami sa guidance para mag sorry pero hindi tinanggap ng adviser ang sorry namin at umiyak siya ng todo todo at tinaponan kami ng chockbox simula noon ako ay nagbago na noong nalaman ko na ang grades namin sa kanya ay mapula pula wahaha pero kahit ganun ang babait ng adviser namin yun kaso pinapaiyak namin at hindi lang yan kapag walang teacher na pumapasok sa amin mag wawala kami pumupunta kami sa likoran ng school namin kasi yung sa likoran ng school namin ay may mga panamin na TUBO at BUKO, alam niyo ano ginawa namin, dahil sa kabaliwan inakyat namin ang puno ng buko at kinuha namin hung bunga at yung tubo rin hindi nakaligtas 🤣 sa mga hindi nakaka alam ang tubo ay yan yung gagamitin para makagawa ng asukal, at sa di inaasahan nahuli kami ng may ari nagsitakbuhan kami yung ibang mga kaklasi namin lumangoy sa sapa🤣. Umuuwi sila ng basa at putik sa katawan. End muna haha. May part 6 pa.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet