Wag puro sorry. Nakakasawa na kasi'ng pakinggan at basahin madalas yung sorry, tapos kinabukasan mauulit nanaman yung kasalanan. Habang tumatagal ng tumatagal at inuulit-ulit mo lang yung pagkakamali mo, hindi mo namamalayan na unti-unti na rin siyang nawawala sayo na yung taong walang ibang ginawa kundi intindihin at patawarin ka. Napapagod na sa sitwasyon na meron kayo, kaya bakit hindi mo subukan na baguhin yung ginagawa mo higit sa lahat pahalagahan mo yun taong nagmamahal sayo kaya hangga't maaga pa ayusin muna baka isang araw magulat ka na wala na siya, kasi napagod na sa kakaintindi at kakapatawas sayo. ~genie~
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Ako di ako marunong mag sorry lalo na kapag hindi ako ang may kasalanan yang words na yan kayang kayang sabihin pero di kayang panindigan 🤔🤔