read.cash Log in
@Genieljay more from that month

Nabubuhay ako sa bayang puro hipokrito, sa bayang puro maka-diyos pero hindi maka-tao. Kapag nagdadasal ay pa pikit-pikit pa, pero dilat na dilat ang mga mata kapaganghuhusga na. Panay ang tanong ni aling marites kung ano nga ba ang latest. Ginagawang pampalipas oras ang pagkakalat ng chismis, pero kapag siya na ang napag-usapan ay inis na inis. Kabisado lahat ng dasal at meron naman daw mabuting asal. Gusto daw niyang makaakyat ng langit, pero mabubuhay naman sa inggit ayaw ng natataasan, nalalagpasan. Ang buhay ay itinuring niya atang paligsahan. Panay sabi na hindi madadala sa kamatayan ang lahat ng kayamanan pero siya itong nagpapakagamahan. Ang hilig makialam sa buhay ng iba eh hindi niya nga maayos ang buhay na ipinakaloob sa kanya. Ayos lang naman may sari-sarili tayong paniniwala, hindi masama na sumunod sa kung anong nakasaad sa biblia walang problemang maging relihiyoso. Wag mo lang sanang gamitin ito upang manghimasok sa buhay ng kapwa mo tao. Wag tayo hipokrito, uulitin ko. Ayos lang maging maka-diyos, wag lang kakalimutan maging maka-tao. Sampal sa mga taong hipokrito, boom evening

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.