read.cash Log in
@Genieljay more from that month

JAPAN, MAGBIBIGAY NG BAKUNA KONTRA COVID-19 SA PILIPINAS Sa isang tweet ng embahada ng Japan sa Pilipinas, sinabi na makatatanggap daw ng mga bakunang AstraZeneca ang Pilipinas mula sa Japan, para walang maiwan ngayong pandemya. Maipadadala raw ang mga bakuna sa Hulyo, ngunit walang nasabi ukol sa dami ng mga bakunang maibibigay nila. Sila ay mamamahagi rin ng bakuna sa Indonesia, Malaysia, at Thailand. Ito ay parte ng pagtulong ng bansa sa mga myembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Sila ay makikipag-ugnayan sa gobyerno ng Pilipinas para mabilis na maturukan ang mga Pilipino gamit ang mga bakunang ipamimigay nila. #KwentongBayanihan Photo credits: Dado Ruvic via REUTERS

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.