MENTAL TELEPATHY NakakapagTelepathy ka na pala hindi mo pa alam. 👊Ano ba ang Telepathy?👊 Ang Telepathy ay isang kakayanan ng isip na kung saan nakakapagpadala ka ng mensahe o makakapag-usap gamit lamang ang isip. Kasama na din dito ang paghahatid ng mensahe gamit ang pag-iisip ng mga ideya, pakiramdam, sensasyon at mga imahe. Sa ilang tribo na nasa Australia, normal na sa kanila o isang kakayanan nila ang pagkakaroon nito, samantala, sa atin na hindi masyadong popular ang ganito, ay tila napakaespesyal mo na kung may telepathy ka. Ang Telepathy ay wala pang halos paliwanag mula sa siyensya, ito ay mas pinag-aaralan sa mga paranormal o psychic na larangan. 👊Saan nagmula ang ideya ng Telepathy?👊 Ang salitang "Tele" ay salitang griyego na ang ibig sabihin ay "mula sa malayo", at ang "Pathe" ay salitang griyego din na ang ibig sabihin ay "nararamdaman o pakiramdam" - kaya sa madaling sabi, ang telepathy ay nangangahulugan ng "pagkakaroon mo ng pakiramdam mula sa malayo". Unang ginamit ang salitang Telepathy noong 1882 mula kay Fredric W. H. Myers. Ayon sa kanya, ang Telepathy ay ang pag-uusap ng dalawang isip mula sa magkalayong lugar na hindi ginagamitan ng ating limang senses. May ilan pang nag-aral patungkol sa telepathy kagaya nila Sigmund Freud, Carl Jung, William James, at Charles Richet. 👊The Willing Game👊 Ito ay isang telepathic game, nilalaro as parlor game, na kung saan may isang grupo na nasa loob ng isang kwarto at may isang tao na nasa labas. Sa una ay papasok muna yung taong yun at hahawakan sa balikat ng leader. Magpapadala yung ibang nasa loob ng mensahe/task sa taong yun gamit ang telepathy saka lalabas ulit yung tao para gawin ang task niya. halimbawa: kumuha ng kutsara at tinidor. Kapag nagawa ay panalo sila. (ako ang papagawa ko dito e bumili siya ng pizza, fries, burger at rootbeer HAHAHHAHAH) 👊Telepathy Experiments and/or Situations👊 1. Naranasan mo na ba yung may naisip ka biglang tao na kakilala mo pero di naman kayo magkasama?. Tapos maya-maya kausap mo na siya - thru chat, text, phone call, others. Halimbawa na yan ng telepathy. Nararamdaman mo na yung taong yun bago pa siya kumontak sayo. 2. Napapanood niyo ba yung biglang may mababasag na gamit sa mga palabas, tapos marerelate nila sa isang pagkaaksidente ng mahal nila sa buhay?. May teorya na dahil ito sa telepathy, nagpapadala ng mensahe yung naaksidente sa mahal nila sa buhay, kaya tila may kutob na kung ano na nararamdaman yung mahal nila sa buhay. 3. Isama niyo na din yung pag may nalalaglag na kutsara o tinidor kapag may handaan, may bigla kang maiisip na tao tapos maya maya andiyan na. 4. Minsan nga nakikipag usap ka sa alaga mong hayop, practicing telepathy with animals huh? 5. Ang telepathy din ay sinasabing nakasalalay sa ating emosyonal na kapasidad, ayon sa mga pagsusuri, mas may kapabilidad ang mga 'babae' sa telepathy dahil sa mas emosyonal sila sa mga bagay-bagay. Pansin siguro ito ng mga nasa 'in a relationship status' 👍. 6. Kapag din nag-aalaga ka ng lolo o lola mo na may diperensya na sa ilang senses nila, tila baga sa mapapraktis mo ang telepathy mo sa kanila. 7. Noong 1930's ayon kay Dr. J.B Rhine sa kanyang ESP EXPERIMENT, ang Telepathy ay halos iniuugnay na din sa clairvoyance at precognitive-clairvoyance, ngunit magkaiba lamang ng pagsasagawa o resulta. Ang telepathy din ay hindi nahahadlangan ng distansya ng receiver mula sa sender. 8. Noong 1971, nagsagawa ng eksperimento si Astronaut Edgar D. Mitchell habang nasa Apollo 14 mission. Hindi ito otorisado ng NASA at hindi muna ipinaalam hanggang sa matapos lang ang mission. Mayroong 4 na receiver sa Earth habang nasa taas na 150,000 miles si Mitchell bilang sender. Nagsequence siya ng 25 random items mula sa isip niya papunta sa receivers, nakabuo siya ng 200 na sequence. Ang minimum na sinet niya na target mareceive ay 40 sequence lang, pero ang naging resulta ay mataas pa sa minimum na sequence ang tamang nakuha ng mga receiver na iyon - isa sa receiver ay si Olof Jonsson na isang Swedish Psychic. (Naihire di umano ni Ferdinand Marcos si Olof bilang Psychic para mahanap ang Yamashita's Treasure) 9. Magic using cards? You'll notice na ginagamitan ito ng telepathy. OPS nakakaisip ka pa ngayon ng ibang work o naeexperience mo na ginagamitan na din pala ng telepathy no? 👊Paano gumamit ng Mental Telepathy?👊 Basic: • Pwede niyong subukan ng kaibigan mo. Maging sender ka at siya ang receiver. Maghiwalay muna kayo, o kaya magkatalikod, mag-isip ka ngayon ng kahit 1 word lang na itetelepathy mo sa kanya. Set a category, tapos isulat niyo saka ireveal sa isa't isa. Advanced: • Kung talagang closely telepathic na kayo ng friend mo upon the basic practice, pwede nyo ng subukan ngayon ang telepathy using colors and/or images. Note: Pwede kayong gumawa ng journal kung saan nakasulat yung results ng practice na ginagawa niyo - includes: time, date, weather condition, location, saka ilang trials bago nakuha ang telepathy message. Pwede din kayong magpalit palit as ikaw naman ang receiver at siya naman ang sender. Steps needed or To-Do's: • Sender and Receiver • Belief na Telepathy is possible • Physical Relaxation • Mental Relaxation (Meditation) • Visualization • Transmission • The Feeling of When to Stop (Mararamdaman mo kung nareceive na ng receiver yung message) • The Job of the Receiver • Compare your results • Repeat Practicing Credits ma fatima
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet