read.cash Log in
@Genieljay more from that month

Sino nga ba ang tama o mali, Sino nga ba ang panalo at ang talo, Sa dalawang kategorya'y mahirap pumili, Sa libo libong kalahok,ang hirap magpasya,pagkat utak ay nagugulo. Saan nga ba patungo ang buhay, Saan ang direksyon? Sino nga ba ang talagang tunay, Sinong magbibigay ng marapat na leksiyon. Sa kaliwa ba o sa kanan, Sa puti o sa pula, Saan,saan,saan? Ako'y naguguluhan, Sa aking palagay ay pareho lang namang talaga. Sa kahit anong aspeto, Sa kung anuman ang iyong pinaniniwalaan, Siguraduhin mong taglay mo ang respeto, Siguraduhin mong may tenga ka upang sila'y pakinggan...

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.