Hollow Earth Theory (Agartha) Category: Conspirancy Isinulat ni: --Ninjjang #Credit to the owner) Maraming taon na ang nakalilipas simula noong ang conspirancy theorists ay sinusubukang patunayan na meron pang ibang mundo sa ilalim ng surface ng ating mundo ngunit kailangan muna nilang hanapin ang lagusan patungo roon. Ang Agartha ay sinasabing isang legendary city o maalamat na siyudad sa tagalog kung kaya't isa parin itong teorya. Pinaniniwalaang ito ay malaparaiso sa ganda at may kakayahang ibalik sa pagkabuhay ang mga patay. Ang mga sumusunod ay ang konklusyon sa "The Hollow Earth" ni Dr. R.W Bernard 1. Ang North at South pole ay sinasabing hindi naman present o kung nandun man ay ito ang malawak na daanan papunta sa hollow interior ng Earth. 2. Ang flying saucers raw ay sinasabing galing sa hollow interior ng Earth sa pamamagitan ng lagusan sa polar. 3. Ang hollow interior ng Earth ay sinasabing binibigyang init ng central sun (kung saan ito ang source ng Aurora Borealis) 4. Ayon sa arctic explorers (base sa kanilang obserbasyon); ang temperatura ay tumataas kapag sila'y paparating sa North at maraming nakikitang open seas; Ang mga hayop ay naglalakbay sa North tuwing winter at naghahanap ng pagkain at init na imbes ay sa South sila magpunta; Ang compass needle ay nakatutok sa vertical posistion imbes na horizontal at nagiging eccentric; Mas maraming tropical birds at animal life; Nakakakita sila ng paro-paro, mosquitoes at iba pang insekto sa Extreme North na kung saan minsan lang o minsan walang makita sa Alaska at Canada (Far South); Nakakita sila ng snow na nakulayan ng colored pollen at black dust at ang tanging maaaring eksplanasyon rito ay ang dust ay nanggaling sa active volcanoes na nasa polar opening. Iyan lamang ay ilan sa mga konklusyon na inilahad ni Dr. R.W Bernard. Bagamat ito'y nananatiling conspirancy theory, dumarami narin ang nagiging tagasunod o naniniwala rito. Atin nalang na igalang ang kanilang opinyon sapagkat sila ay gumamit rin naman ng kanilang sariling explanation ukol rito. Remember: "In seeking the truth, you have to get both sides of the story." - Walter Cronkite Source:Map/diagram of Agharta and the Hollow Earth, based on writings of Raymond W. Bernard, Telegram.co.uk
No comments yet